bc si bossing sa payroll project kaya ayun, nakatunganga na naman ang beauty ko. kahit pala di ako magpaalam sa kanya kahapon na halfday ako e hindi nya mamalayan.. nagtanong din sa mall regarding ng price ng dream fone ko sa ngayon, grabe! 19k+ sya! haay naku, hihintayin ko na lang na bumaba yun, at pagbaba nun e me bago na namang model na maaaring mas swak sa taste ko :D eniweys, as a result ng kawalan ng ginagawa, eto ang isang article na idadagdag ko sa scrapbook ko (na hindi ko pa rin maasikaso, huhuhu)
- Hindi hamak na mas malaki ang tsansa na maging chess grandmaster
- Mas malaki ang posibilidad na maging mentally retarded habang nasa sinapupunan pa lang ng kanilang ina
- Mas madaling tumanda ang brain cells at mas mataas ng 10 beses ang posibilidad na magkaroon ng attention deficit disorders tulad ng autism
- 3 beses mas madalas manood ng x-rated na pelikula
- Mas maitim ang balat at mas maraming kulubot sa mukha sa pagtanda
- Mas may posibilidad na gumamit ng bawal na gamot kaysa babae
- Mas palainom ng alak, mas maraming laway sa bibig at mas maraming pagkakataon na nauutal kapag may kausap
- Mas acidic ang sikmura at mas may tsansang magka-ulcer
- Kailangan lamang ng 3% taba sa buong katawan upang maging malusog
- Mas madalas masangkot sa mga marahas na krimen at mas mataas ang bilang ng nagpapakamatay
- Mas matiisin sa matitinding sakit ng katawan
- Mas madaling tablan ng sakit ng ulo
- Sa pagtanda ay mas madaling makaalala ng mga pangyayari nang sila'y bata pa
- Mas madalas magsimba ng 33% sa kanilang tanang buhay kaysa mga lalaki
- Mas palangiti, mas matatas at maagang matutong magsalita kaysa kay junior
- Mas madaling kumbinsihing kumain ng gulay habang bata pa
- Mas malaki ang posibilidad na magka-lung cancer
- Mas matagal tumunaw ng pagkain sa sikmura
- Kailangang 12% ng timbang ay galing sa taba upang magkaanak
- Mas madalas magkaroon ng arthritis at rayuma sa tuhod
- Mas mainam lumaban sa impeksyon sa katawan
- Mas madalang mag-ehersisyo
- Mas matatag ang pangangatawan kaysa mga sanggol na lalaki sa oras ng kapanganakan at mas maagang magdalaga kaysa magbinata ang lalaking kasinggulang nya
hango sa Libre na hinango sa Psychology Today, August 2003






No comments:
Post a Comment