Tuesday, January 30, 2007

a news article

Ka Erdy Manalo
PANAGINIP LANG Ni Nixon T. Kua
Ang Pilipino STAR Ngayon 01/02/2007

Bagama' t tayo po ay isang Katoliko, lubos ho ang paghanga natin kay
Ka Erano G. Manalo na birthday nga ho ngayong araw na ito, at sa mga
kapatid natin sa Iglesia ni Cristo dahil sa disiplina nilang tunay na
dapat sana tularan natin.

Kakaiba kasi ang disiplinang pinakikita nila lalo na sa kanilang
pagsasamba na isang malaking halimbawa ng pag-rerespeto nila sa DIYOS.
Nakailang sama na tayo sa paanyaya ng ilan nating kaibigang mga INC sa
kanilang pagsasamba at hindi natin maiwasan ikumpara unang una ang
kalinisan sa loob ng kanilang kapilya. Ilang local na ho ang napasyalan
natin at pare-pareho ho ito.

Hindi ho kagaya ng ugali nating mga Katoliko na kanyang kanyang
puwesto na kadalasan tuloy ay naiiwang bakante ang maraming silya sa
gitna, sa mga kapatid ho natin sa INC ay pupunuin ang bawat silya mula
sa harap hanggang makarating sa likod.

Wala rin hong social status ang sistema ng kanilang pag-okupa at first
come first serve lahat. Kahit sino ka man, kahit sikat ka, walang
reservation at kung mahuhuli ka ay sa likod ka uupo.

Bawal rin sa kanila ang mga damit na masyadong maiksi na suot minsan
ng ilan nating mga kapatid na Katolikong kababaihan na siya namang
aaminin nating nakakadistract ng attention. Hiwalay rin ho ang puwesto
ng mga babae at lalaki at walang batang nagtatakbo sa loob na mistulang
ginagawang playground.

Ang mga song book nila ay nakalagay sa kaliwang bahagi ng mahabang
bangko at isa isang kinukuha at pagkatapos ng kanilang pagsasamba ay isa
isa rin nilang binabalik. Kung ginagalang ho kasi natin ang PANGINOON
bakit natin kinakalat na lamang ang mga misalette o anumang papel sa
simbahan na napakarumi tingnan.

Wala rin hong nag-bubulungan sa kanila habang sumasamba at lalong
walang kalabitan na madalas ring gawin ng ilan nating mga kasamahan sa
simbahang Katoliko.

Ultimo sa katapusan ng kanilang pagsasamba, row by row silang
lumalabas at hindi nagkakagulo at naguunahan. Muli lang natin naalala
ito lalo na nung panahon ng holidays kung saan dumalaw naman tayo sa
ilang simbahan upang magpasalamat sa PANGINOON sa lahat ng biyayang
nakukuha natin. Lahat ho tayo ay dapat mag-count ng blessings natin na
bigay sa atin ng DIYOS.

Tunay na kahanga hanga at karapat dapat tularan hindi lamang sa paraan
ng pagsasamba o pagsisimba kung hindi sa lahat ng antas ng lipunan dahil
isa sa pinakamalaking suliraning kinakaharap natin ngayon ay ang
kakulangan sa disiplina at palakasan system na laganap.

At komo unang column natin ito ngayong taong 2007, sana kahit sa
maliit na paraan ay maantig natin ang ating mga kababayan at ma-adopt
natin ang disiplinang pinaiiral ng mga INC upang kahit paano naman ay
maibsan ang problema ng bayan.

Ka Erdy, HAPPY BIRTHDAY po sa inyo at Congratulations.

sa Ama ang kapurihan :)

Wednesday, January 17, 2007

lucky wallet, lucky me

i have heard from my officemates' conversation before na ang wallet, pag naiwan mo sa bahay e babalikan at babalikan mo, di tulad ng cellphone. well, not in my case. di ko alam na naiwan ko wallet ko, and my mom just texted me na naiwan ko nga so that di ako maghahanap. nasa bus na ako ng tingnan ko ang cell ko. yung pamasahe ko e nasa coin purse ko naman na dala ko, so ok lang. kala ko e mangungutang ako sa ofc para makapagmerienda at makauwi. pero lucky for me, yung isang officemate ko na nagpabili ng dvd e binayaran nya kanina yung dvd. kaya heto, may pangmerienda at pamasahe na ako pauwi :D

Tuesday, January 16, 2007

taon ng kasalan

i cant remember if it was 2004 or 2005, pero ang dami kong friends at kakilala na nagpakasal that year. ngayon e nandito na namang muli ang taong iyon. at ang isa sa mga mahirap na part jan, para sa akin, ay ang kunin akong abay. hindi kasi ako at ease, kaya naman lahat ng nag-aalok ay tinatanggihan ko. wag lang sana sumama ang loob. noon ngang kasal ng kapatid ko ay ilang linggo na lang bago ang kanyang kasal nung napapayag nila ako. kaya sana ay maintindihan nyo ako. to my friends who are getting married, i can help you in the preparation, pero wag na lang ako gawin abay, okie? ;)

Monday, January 15, 2007

saberdey hang over

after the ascii meeting last saturday, we went to farmers to have lunch. mga 1230 na kami nakaalis ng hq dahil nawili pa sa pagkukuwentuhan. pagdating namin ng farmers e wala ng available parking. nakarating na kami sa gateway, ali mall, at shopwise e wala pa rin. bumagsak kami sa may edsa bago mag-santolan flyover northbound. may german resto dun at dahil may parking sya at gutom na kami e dun na kami kumain. ang siste, mukhang yun ata yung tinutukoy ng kantang nasa ibaba. past 230 na naiserve sa amin ang out of this world dahil sa di mo ma-take na food. lucky for the resto at di ko kinunan ng pic yung name nila.. sheeesssh...




The Ordertaker
Parokya ni Edgar

Waiter! Pa-order naman ako ng porkchop
At tsaka ng dalawa ngang kanin
Lagyan mo na rin ng konting ketchup

Meron ba kayong chopsuey? (Wala po!)
Meron ba kayong adobo? (Wala rin po!)
Meron ba kayong bulalo? (Ubos na po!)
Meron bang kahit na ano? (Wala!)
Wala?

Hoy! Wala na bang ma-o,
Wala na bang ma-order, ma-order
S***! Meron na ngang menu
Wala namang ma-order, O waiter
Sana naman may siopao man lamang o burger
Pa-order, pa-order, pa-order

Waiter! (Waiter!) Order! (Order!)
Waiter! (Waiter!) Order! (Order!)
Waiter na gwapito ano bang meron dito?
Waiter na gwapito meron bang
Chicken mami, longsi, toci, at tapsi
Pancit, lugaw, at lomi
Tokwa’t baboy, pares beef
Fried siomai, gutom na talaga ako
(Fried siomai) Gutom na talaga ako

Tang ***** carinderia, wala man lamang merienda!
Tang ***** carinderia, wala man lang magtitinda!

Monday, January 08, 2007

nangangayayat ang palaka

its just a few days after 2007 and mejo marami ng events ang nangyayari dito sa ofc. first working day was jan 2, tuesday. sick leave ang beauty ko, nasobrahan ata ng kain kahapon. wednesday, jan 3, before lunch ay may inikot na memo sa amin. tinanggal ang 2k allowance namin :( ang mga nasa call center ay tinanggal din ang 10% increase sa night differential nila. jan 5, friday, may isa na namang tinanggal sa amin.. haaay naku.. ano ba ang nangyayari sa palaka? at di pa rin ayos ang sss namin, e kelangan ko pang magloan. haaay life... btw, i'll be celebrating my first anniv here tomorrow.. hanggang ilang anniv kaya?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

today is the eight day of the year.. ano pa kaya ang in-store sa akin for this year? haaay.. sana this is the year.. sana...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

due to stress and pressures, my old wacky self became serious later part of last year, and i miss it the wacky me. so now, i'll try to always be cheerful no matter what :D