Thursday, June 23, 2005

nagtaas na pamasahe ng ordinary bus and jeep dito. dati rati ay bihira akong sumakay ng aircon bus, dahil bukod sa mas mahal ito, mas mabilis ang ordinary bus at mas iwas holdup. isa pa, may mga aircon na mas malamig pa ang ordinary bus.

mula ng nagtaas ang minumum fare ng P2 noong martes, lagi ng aircon bus ang sinasakyan ko. P20 ang binabayad ko. kahapon, nagpunta ako sa ate ko sa sucat, walang aircon bus na dumadaan dun kaya nalaman ko na P16 na ang pamasahe ng ordinary bus mula mantrade hanggang sucat. lagpas P24 siguro ang magiging pamasahe ko mula mantrade papuntang alabang na dati-rati ay P17. mas mura pa ang aircon bus ngayon

No comments: