Tuesday, November 29, 2005

habulan

almost a month has passed since i had updated my blog. i wish to change my blog's skin but i think that can wait, for now.

anyways, sobrang maraming nangyari sa akin for the past days. i have told my boss that i can no longer accept another extension contract since i'll be moving on to a new company which has offered me a regular position, not to mention a higher rate. dun na nagsimula ang problema. i have 2 more months before my contract nung malaman nya e tuliro na sya. so imagine kung ano na lang ang kinikilos nya ngayong 1 month na lang ang natitira. he's very much grumpy nowadays. di na nya ako kinakausap, which is, for me okay dahil bawas nangungulit at mas marami akong nagagawa. at di ko na nadidinig ang nakakairitang line nya na "mataas kasi ang presyo mo" or "masyadong kang mahal" at "di ka namin kaya".

since i started working, i never begged for any company to hire me or keep me in their workforce. pero bakit may mga times ngayon na parang utang na loob ko pa sa kanila na hinire nila ako? parang gusto nilang palabasin na wala akong utang na loob at aalis na ako ngayon. i mean, my contract will end on january 3rd, at wala akong viniolate sa contract na yun. tatapusin ko yun kahit di ko na feel. and im doing all the docs in preparation sa susunod na hahawak ng project.

the ceo of my agency, which happens to be his elder sister is also very much affected. at yung pagkaapekto nya sa situation e sana wag makaapekto sa relationship namin, as frends. i mean, yes, we're not that close, but during the course of our employer-employee relationship, we had bonded a frendship. anyway, kung maaapektuhan, e wala akong magagawa, blood is thicker than water, ika nga. but still, alam nya kung ano ang kalakaran sa agency, and therefore should not blame me.

she has asked me na kausapin ang boss ko (her bro) and to assure him na magiging ok ang takbo ng project kahit di na ako ang humahawak. ayaw pa daw nya kasing kausapin yun dahil wala syang maibigay na solusyon sa problema. parang, teka.. obligasyon ko pa ba yun? di naman ako siguro sisigawan nito, tulad ng ginagawa nya sa ate nya di ba? masyado kasi syang na-i-stress na sya daw nagrecommend sa agency ng ate nya at kung mabibitin ang project e sya ang masisisi at ikasisira ng record nya at pwede nyang ikatanggal. san ang justification sa iniisip nyang ito? ewan ko. pano ko sya kakausapin? ewan ko rin. parang mahirap atang kumausap sa taong sa tingin ko e sarado na ang pag-iisip.

for now, kelangang matapos ko ang lahat ng pwedeng tapusin. para kung may maiwan mang
mga bugs e hindi na sya show stopper.

No comments: