Tuesday, February 14, 2006

nagdaang week-end

nagkasakit ang mommy ng nakaraang biyernes. noong sabado ay nagpunta kami sa ospital. dun ay ininjectionan sya ng duvine (spell check) at dahil sa epekto ng gamot ay panandalian syang nakatulog. mga 930 na ng gabi yun. nang sya ay magising ay mabigat ang kanyang katawan at hindi sya makakilos. mga 12 ng hatinggabi ay gusto na nyang umuwi bagama't nanghihina pa rin sya. mabuti na lang at malapit lang ang kapilya, at maaasahan ang mga SCAN na tumupad sa gabing yun, tinulungan nila kami at inihatid sa aming tahanan. linggo ay nagpunta ang kapatid ko upang samahan ang aking ina habang ako ay tumutupad at sumasamba. maraming salamat at kahit paano ay hindi Nya kami pinababayaan. sa kasalukuyan ay nagpapalakas na lang ang aking ina.

kahapon naman ay dumating na ang trabahong aming hinihintay. mejo toxic ang linggong ito at gaya ng inaasahan ay rush ang pinapagawa sa amin.

4 comments:

Anonymous said...

Ok naman si nanay mo pag nakakausap ko sya sa phone ah. kagabi lang eh tumawag ako sa hauz nyo, nasa galaan ka pa raw. tsk, tsk, tsk... mga past 8pm na yun.

:P

jary said...

may pre-single awareness day ako e :p

Abby said...

I hope she feels better soon...

I should've joined that Single awareness day... tinopak tuloy ako kahapon!

jary said...

aysus.. si jon sisisihin mo, sya nagpauso nun e :glee:

my mom is ok now, nagpapalakas na lang :)