Monday, June 05, 2006

a blessed weekend

sabado: naatasan ako ng aming pastor na pumunta sa pasig upang dumalo sa locale coordinators' meeting ng AsCII. ako ang ginawa nyang locale coordinator sa aming lokal at naatasan ding buuin ang AsCII sa aming lokal. naging maganda naman ang resulta ng pagpupulong. doon ay muli kong nakita ang 2 taong namimiss ko, ang aking daddy at ninong. sa gabi ay back lesson ng aking akay. naging matagumpay at mabiyaya ito.

linggo: tupad ni mom ng umaga kaya maaga akong nasa kapilya, sinamahan ko kasi sya upang magbihis ng saya. dahil hindi ko naman tupad sa oras na iyun ay minabuti kong mag-opisina sa kalihiman upang gawin ang ibang bagay na aking gagawin mamyang hapon. mamya kunti ay dumating ang aking tatay-tatayan na bantay kapilya at nakipagkwentuhan. pagkatapos mag-opisina ay naghugas ako ng kamay sa banyo sa loob ng opisina. nang ako ay nasa loob ng banyo ay may nagsalita sa labas. inakala kong si tatay yun at dahil di ko naintindihan ang sinabi nya ay sinabi kong "Po?" sabay labas na rin ng banyo. nagulat ako dahil hindi pala si tatay ang tao sa labas. di ko namalayang pumasok sya, at marahil ay nagulat din sya ng makita ako at ang tanging nasabi ay "Ay" at nagpatuloy sa pagbabasa sa bulletin board ng aming tanggapan. ako naman ay kinuha ang suklay at nagbalik sa banyo upang mag-ayos at maghanda sa pagsamba. paglabas ko ay wala na rin sya sa opisina. nang ako ay pumasok sa kapilya ay nakita ko syang nakikipagkwentuhan sa ibang scan na tumupad. inakala ko pa ngang isa syang diakono, hehehe. pumasok ako at nakipagwentuhan sandali sa mga kalihim na tumupad.

pagtapos ng pagsamba ay nakakwentuhan ko si wenz. pagkauwi ay nakapag-agahan pa ako kasama ng aking ina bago muling nagbihis upang manundo ng mga bata. toka kasi ng aming departamento sa panunundo para sa pnk. naging maganda naman ang resulta ng aming panunundo. nagpunta kaming muli sa kapilya pagkatapos upang magsabi sa aming pangulo ng nangyari sa aming panunundo. bago umuwi ay dumaan ako sa bahay ng pastor at binati sya sa kanyang kaarawan.

gabi ay muntik ng mahuli ang aking akay sa pagsamba. dumating sya sa ikalawang awit na. pagkatapos ng pagsamba ay sinamahan ko syang dumalo sa pulong ng buklod. maganda ang naging tema nila, "Controlling your anger before it controls you". pagkatapos ay nagpunta kami sa likod para sa kanyang pre-screening. di agad nasimulan ang pre-screening dahil nagkaroon muna ng kaunting salo-salo at kasiyahan para sa kaarawan ng aming mahal na destinado. nagkaroon din ng pagkakataon upang makapagkwentuhan sa mga maytungkulin na nandun, tulad ng aking ate at katukayo. habang naghihintay e lagi kaming nagkikita ngunit hindi ko sya pinapansin. hindi ko nga alam kung ako yung nginitian nya sa opisina ng ilaw, pero di ko pa rin yun pinansin. syempre pa, pumasa ang aking akay sa kabila ng kaba na kanyang nararamdaman.

2 comments:

aajao said...

dami kong gustong i-comment:

1. nagkita ba kayo ni Junar sa ascii?

2. ano feeling ng tumutupad sa PNK bilang hindi regular na MT ng PNK? :D

3. Anger Management ang tema ng buwanang pulong hindi lamang sa Buklod. Maging sa KADIWA at binhi.

4. pengeng akay! :p

jary said...

1. maaaring nagkita kami pero di ko sya nakilala. wala kasing nametag e, nahiya naman akong tumambay sa registration bukod pa sa magkahiwalay ang lalake at babae, at bukod pa rin sa pinapasok na ako ng MT ng ascii sa distrito dahil sa nangungulit ako sa labas

2. ang una kong tungkulin right after ko mabautismuhan ay PNK kaya nakakamiss, at as always, nakakaaliw ang mga bata :D

3. maaari na ba akong hindi dumalo sa buwanang pulong ng Kadiwa dahil nakadalo naman ako sa buwanang pulong ng Buklod na may pareho ring tema? :D

4. di kapani-paniwalang wala kang akay :p