Tuesday, April 03, 2007

ang sampung piso, bow

tuwing linggo, ang mga una kong ginagawa sa umaga ay dumalo sa pagtitipon ng 545am, at bumili ng pancit para sa almusal pauwi. noong march 25 ay nakalimutan kong wala palang pera ang bag ko. naaalala ko lang na wala pala akong perang pambili ng pancit noong palabas na ako. chineck ko pa ang bag ko dahil alam kong may mga barya akong naiiwan dun, nguni't P4 na lang pala ang naiwan. hinanap ko ang isa sa aking mga ate upang makahiram ng P10 pambili ng pancit. nguni't sya pala ay maysakit kaya wala ng pagkakataong iyon. tinry ko ring pumunta sa likod kung may makikita akong pwedeng mahiraman. natatawa ako, kasi sa halagang P10, para akong natutuliro at walang mahiraman, hehehe. dahil kilala naman namin ang may ari ng tindahan, nagsabi na lang ako na kung pwede ay pautang ng pancit at sa hapon ko na lang babayaran. pumayag naman, nakakatawa pa nga, naabutan ko syang nagsisilid ng pancit sa plastic, e yun na ang ibinigay sa akin, instant! weheheh :D

No comments: