Tuesday, October 02, 2007

gumawa ka ng mabuti, sa yo. gumawa ka ng masama, sa yo.

this story was told by one of my loved pastors. i just hope i can tell it as good as he did.

sa isang kaharian, may isang pulubi na di marunong magpasalamat. ang lagi nyang sinasabi ay "gumawa ka ng mabuti, sa yo. gumawa ka ng masama, sa yo."

sa kahariang yun ay naghahari ang isang hari na may isang spoiled na anak na prinsipe. dahil spoiled ang anak na prinsipe, lagi nitong kinukutya ang pulubi. di naman gumaganti ang pulubi, ang tangi lang sinasabi nito ay "gumawa ka ng mabuti, sa yo. gumawa ka ng masama, sa yo." dahil dito, lalong nagngingitngit ang prinsipe, dahilan upang mainis din ang hari. hanggang sa nakaisip sya ng paraan.

isang araw, pinatawag nya ang pulubi, at binigyan ng magarang kasuotan at pagkain. nguni't imbes na magpasalamat ay ito lang ang sinabi ng pulubi. "gumawa ka ng mabuti, sa yo. gumawa ka ng masama, sa yo." dahil dito, lalong nagalit ang hari, pero hindi nya ito pinahalata.

umalis na ang pulubi, suot ang bagong damit at dala ang pagkain. hindi pa sya nakalalayo ay hinarang na sya ng prinsipe at ng mga kawal nito, binugbog at kinuha ang damit at pagkain.

habang sya ay gumagapang palayo, ang sabi ng pulubi ay "gumawa ka ng mabuti, sa yo. gumawa ka ng masama, sa yo."

di na iyon pinansin pa ng prinsipe at agad na kinain ang pagkaing binigay ng hari sa pulubi. di pa nagtatagal ay biglang bumula ang kanyang bibig, kaya dali-dali syang dinala sa palasyo. dun ay nagulat ang lahat, kaya tinanong ng hari kung anong nangyari. dun ay sinabi sa kanya ng mga kawal na kinain ng prinsipe ang pagkaing binigay nya sa pulubi. yun pala, ang pagkaing yun ay nilagyan ng lason ng hari.

sa kanyang pagdalamhati, animo'y umaaalingawngaw ang tinig ng pulubi "gumawa ka ng mabuti, sa yo. gumawa ka ng masama, sa yo."

No comments: