Tuesday, November 04, 2008
gastro chorva
haaaay.. last saturday, around 1122am (as per my cp time), sinumpong ako ng matinding sakit ng tyan. nagulat ako kasi wala naman akong nakaing kakaiba, and yung sakit nya ay hindi naman yung tipong tinatawag ka ni mang doro. mahapdi sya. di nawala nung kumain kami ng lunch. di ako nakatulog ng maayos ng hapon, at pagkagising ko ay tinatawag na ako ni mang doro, hilong hilo ako at nasusuka. kinabahan ako. inisip ko na baka ang sakit ng tyan ko ay appendicitis na. pumunta agad kami sa pinakamalapit na ospital (na parang clinic lang) at dun ko nalaman na gastro enteritis pala. dati ko na syang sakit, pero kakaiba kasi ang sakit ngayon. ang mas masaklap, mukhang ewan yung tumingin sa aking doctor, parang iooverdose ata ako ng gamot. ngayon, sa Awa ng Dios ay mas mabuti buti na ang aking pakiramdam. naalala ko ang binigay sa aking gamot noong ako'y nagpatingin at yun ang iniinom ko ngayon. may kamahalan nga lang, P100 isa. maggegeneric na ako sa susunod hehehe






No comments:
Post a Comment