Wednesday, November 12, 2003

haaaay naku.. kaka-HB ang babaitang yun ha.. bashtush daw ako e di pa naman ako nakahubad howell.. share ko na lang sa inyo ang nangyari.. me e-load bisnes kc kami at dun sa babaitang yun namin kinukuha ang load. nagdedeposit muna kami sa bank acct nya sa metrobank bago itetext namin sa kanya ang amt at number saka loloadan nya kami..

ito ang usapan namin, thru text, yung mga nakabold e syang ebidinsya daw ng pagiging bastos ko.. maanong husgahan nyo nga kung bashtush ako teka, di kasama tong nakabold sa aking tabi

ako: paload po ng P--- sa 09----. nadeposit ko na rin. tnx
babaita: teller number pls, makikita sa ibabaw ng amt, saka time ng deposit
ako: 1245pm. 1---0 arnaiz branch. ala e kahigpit naman
babaita: marami kayong nagdedeposit ng same amt kaya di namin alam kung kanino galing
babaita: hus dis pls
ako: agen? hila ni (nagrefer sa akin) dahil ang akala ko e gusto lang nyang makilala ang hubad este bashtush na katext nya at walang kinalaman sa eload.. saka kinuha na nya name ko nung una akong nagpaload sa kanya huh
babaita: may 100 kayong retailer namin kaya di namin kilala kung sino ang nagpapaload.
babaita: (kinowt ang txt ko) matinong sagot ba naman yan?
ako: miss, cool ka lang, baka di ka na tumanda nyan. (my full name hir) po ako.
babaita: (kinowt ulit ang txt ko) e miss nakakabastos ka e

at ang siste, di nya niload ang dineposit naming pera. tumawag ngayon ang mother dear ko sa kanya at ang sabi e bastos daw ako at gusto daw akong makausap. buti na lang at mejo maaga din akong nakauwi (mula sa isa pang nakakainis na lakad, pero matitiis ko ang lakad na ito..) tumatawag kami sa bahay nila aba'y super bc.. tinatawagan ko rin yung nagrefer sa akin sa kanya at bc din ang fone... hmmm.. di kaya magwaswit ang 2 na yun at ako ang topic? howell.. nung mag-12midnight na (kakalog-out ko lang nun at naghahanda ng matulog) e sinubukan kong tumawag at nagring na ang fone nya. tinanong ko ang aking momsy kung gusto nyang tawagan para mapanatag sya dahil ang pobreng matanda, di makatulog sa pinaggagawa nila. ayun, aba'y, ke taray talaga. ang gusto lang ay magsosori ako sa kanya na para bang utang ko ang buhay ko sa kanya, naku! nakakapagngitngit talaga!

at least ngayon, alam na ni mother dear kung bakit imbyerna ako sa babaitang yun. at nakita nya ang kagandahang asal na taglay nun..

Monday, November 10, 2003

today was a busy day.. exam tuloy interview na sa umaga then meet miles na super tagal ko ng di nakakausap... from a little past 1pm to around 7pm e magkasama kami, kaya super bonding talaga!

tom is another busy day.. sana sa wednesday e mejo makapahinga naman ako.. howell.. life's life...
for saturday...

nagpunta din ako kanina sa alabang.. kahit super tinatamad, napilit ko rin ang sarili ko dahil sa curiosity kung ano nga ang meron dun.. buti nga at di ako naligaw, di rin na-late, sa tulong Nya.

di ko namalayan, nagkaroon pala ng take over sa ATO ng NAIA.. nagulat na lang ako ng pag-uwi ko ng 12nn e news nun ang sumalubong sa akin sa TV.. kakatawa naman, 2 lang yung nagtake-over, sangkaterbang SWAT team yung umatake, at ayon sa news e sumusuko na yung nag-take over e tinadtad pa rin sila ng bala.. inaanak pa pala ni GMA ang isa sa anak ni Villaruel, yung nagtake over sa NAIA.. base sa napanood ko sa Magandang Gabi Bayan e matalino si Villaruel. sya pala ang nakaimbento ng HummingBird na one seater fighter plane. inalok nya ito sa pamahalaan pero inisnab ito. buti pa ang malaysia at gusto itong bilhin. kaso ayaw nya dahil ginawa nya ito para sa Pilipinas. howell...

bakit kaya skyway ang tawag sa skyway e nde naman sya daan papuntang langit?

Friday, November 07, 2003

nagkita ulit kami ni buddy this tym sa sm north.. sana matuloy ang plans namin, with His help... kaya lang, parang kakaiba yung nainom naming tea sa mocha blends, kakaantok.. howell.. me interview tom pero parang tinatamad ako magpunta, ang layo e.. haaay.. bahala na.. a busy week next week..

gudnyt blog..

Thursday, November 06, 2003

grabe, a very long, tiresome pero mejo happy day! .5 interview lang instead of 2 interviews ang napuntahan ko.. .5 kc yung talagang mag-iinterview sa akin e out of the country so i need to go back again next week.. i dunno if this interview will have a bearing.. i sure hope so.. eniweys, if not, then its just not meant to be.. di ako natuloy dun sa isa dahil wala palang fx sa makati pag maaga pa.. so di na ako umabot.. nasira pa shoes ko, buti na lang at me mr quickie.. had lunch with diakonong mike kakatawa nga e.. i was thinking of inviting web expert to have lunch w/ me pero ewan ko ba, dyahe talaga ako pag kaming 2 lang.. then nagtxt ba naman, gulat ako, ang lakas ng radar ng mokong na to, hehehe..

nasa haus na sana ako around 2pm, pero nagpumilit si buddy na magkita kami.. haaay naku.. why am i stucked w/ frends who cant say no for an answer? so ayun, nagmeet kami, had coffee then watched Matrix Revolutions then naglaro pa ng billiards. First tym ko makapaglaro ng billiards.. pero nde first tym humawak ng tako.. nung una kc e hawak lang talaga, hehehe..

all in all, masayang pagod.. wala pang jeep sa tandang sora kaya nag-2 rides pa ako.. ganun pala dun pag rush hour.. akala ko e di nauubusan ng jeep dun.. and another highlight pala, nagkachat kami ng matagal-tagal ng kuya ko :D grabe, namiss ko yun! buti na lang at me net na sya ulit sa lab..

haaay, another day tom.. mejo nde na busy.. pero lalabas pa rin pala ako.. sana lang maging ok yung lakad ko tom nyt..

good nyt blog!

Wednesday, November 05, 2003

almost whole day akong wala.. at nakuha ko na rin last pay check ko.. check talaga kaya di ko pa rin magamit, hehehe.. grabe, pwede na akong magpunta ng sing! :D sayang nga at di kami nagkausap ni RG ngayon.. howell... tom e busy day na naman.. sana e di ako maligaw at mahirapan sa mga pagsakay, heheeh... nga pala, me tanong ako sa ibaba.. ito e sinabi sa akin ng isang dating kasamahan...

whatdyathink?
"pumayat ka, tumaba ako, nice!"

Tuesday, November 04, 2003

nyemas naman yung isang agency ko.. pinatulog sa files nila ang resume ko.. buti na lang at nacontact ko kanina, nagising ng kunti yung resume ko, hehehe... a busy day tom.. dentist sa umaga, then daan sa hospital, then sana e makuha ko na pay ko para dagdag kadatungan, hehehe :D howell.. 2 weeks pa lang ako napapahinga e mejo restless na naman ang byuti ko.. eniweys, mejo bc the coming days.. naiinip lang naman ako pag nakukulong d2 sa haus.. layas talaga e, hehehe.. nga pala, natuloy din ang ulan na ilang araw ng nagbabadya.. super lakas, pero sandali lang.. at least lumamig ang panahon :)

log off muna ako.. mukhang everyday e nakaka-4hrs ako d2 sa comp.. mauubos na naman tuloy card ko..

Monday, November 03, 2003

grabe, ang init kagabi! kala ko nga di ako makakatulog sa sobrang alinsangan e.. and to think november na ngayon.. kanina e nagpunta akong kapilya at natapos ko na ang project ko :D kaya next stage na ako, heheeh :D ngayon e patay oras muna.. tatawagan ko pa pala mga suspect este prospect ko

Saturday, November 01, 2003

kay tagal na panahon ding di ko naa-update itong blog ko.. last day ko sa netD noong Oct 21.. yun siguro ang bday gift sa akin, w/c is ok :) kakatawa nga e, totoo nga pala ang kasabihang sa hinahaba-haba ng prusisyon, sa resignation din ang tuloy, hehehe indamintaym e PAL at PMA muna ang byuti ko :) sayang nga e, nagkasakit pa ako ng 1 week, di ko rin naasikaso ang mga dapat kong asikasuhin.. at least, natapos na rin ang pagtransfer namin ng voting place para sa election..

haaay naku.. pag naalala ko yung pinagdaanan namin sa comelec na yan, di ko maiwasang ma-HB.. pano ba naman, super talaga sa kawalan ng sistema at super ginagawang negosyo ang registration at change of address / status.. kelangan kc na me ID ka ng current address mo.. pag wala? no problem, kuha ka ng police clearance.. sa police clearance, ikaw din naman ang magbibigay ng address mo, wala ka ng dapat na ipakitang documents na magpapatunay na dun ka nga nakatira.. magbabayad ka nga lang ng P50 at P30 para sa picture, ang husay di ba? yung comelec official naman ng district 2 e feeling paimportante.. nakikipagchicahan muna sa mga kasamahan nya dahil sa problema nila sa pagkain (na supposedly e sagot daw ng kung sino pero di naman natutupad) bago asikasuhin ang mahaba ng pila sa lamesa nya.. pag ikaw na ang kaharap, hihingan ka ng kung ano-anong documents na iba naman sa sinabi nya noon.. haay naku.. ang hirap magpabalik-balik noh! bago ka makarating sa opisina nila e kelangang mong makipaggitgitan sa katakot-takot na tao.. di naman ako si san cai o si ye sha kaya wag nyo akong pagkaguluhan, please!

kakainis din ang PLDT, naghihirap na ata dahil nagkaubusan na sa directory, tapos ang pagtatanong sa directory assistance e me charge na P3.00 per inquiry! husay talaga! haaaay naku, ano na ba nangyayari sa dito? baka sumabay na ako ke RG sa january pag feeling hopeless pa rin ako pagdating nya..

Friday, October 24, 2003

kainis, mabigat pa rin ang katawan ko... nakiuso pa sa mga sakit na nagkalat ngayon d2 sa pinas dahil sa panahon.. nga pala, i'm officially no longer connected with netD.. update ko na lang tong blog some other time..

Sunday, October 19, 2003

i'll be updating my blog in a few days.. maa-update ko na ito ng wala akong paki sa mga lorong sumisilip sa balikat ko...

Sunday, October 12, 2003

haaaay... di ko na siguro mapapanood yung freddy vs. jason sa sinehan.. wala akong mahilang manood e.. ok naman yung underworld, kahit mag-isa pala e kaya kong panoorin yun..

di rin natuloy ang mga lakad ko kahapon, was very tired from friday's paglalakad (literally, hehehe)

~~~~~~~~~~~~~~~~

ang hirap palang magpost pag me lorong nasilip sa balikat mo (as what RG had said..)

Friday, October 10, 2003

had my haircut, yipee!! kamukha ko na si michelle saram a.k.a. ye sha ng meteor garden kahit sa buhok lang *glee* was absent today, naglakad ng kung anong anik-anik w/ my beloved PK, to be continued pa tom.. sa wakas, nakuha na rin nya mga last pay nya.. blooming nga daw sya sabi ng mga dating kasama nya dun, and i agree :) sana makahanap na kami ng mabuting trabaho at fafa *sigh*
tuesday

muntik na akong di makapasok dahil nalowbatt ang cell ko at namatay kaya di nag-alarm. buti na lang at maingay sa labas kaya nagising ako, 30mins late sa dapat na gising ko, kaya late tuloy ang beauty ko

wednesday

nagkausap kami ni RG, di pa rin tapos report nya. recommended nyang panoorin yung Underworld, mayakag nga si Coll Frend.. grabe, wala na pala akong alam sa mga movies, masyado ata akong nasubsob sa job hunting.. naiwang online ni kuya yung ym nya, gulat ako, kala ko di na naman natulog, hehehe...

2003-10-09 - 11:22 a.m.

Monday, October 06, 2003

nothing much happened this past week.. my brace is on its second stage now, inadjust sya nung monday kaya mejo hirap akong kumain the past week.. mejo ok na sya ngayon.. bought an issue of the Manila Bulletin para maghanap ng agencies and work here and abroad.. sana naman e di matapos ang buwan na ito at makalipat na ako ng work.. much better kung abroad..

nagtransfer na rin ako ng lokal.. back to my beloved locale kahit malayo sya sa haus.. at home ako dun at kahit pagod e happy ako :)

had a wake-up call from handsomest today.. actually, gising na ako nung tumawag sya.. mejo malabo nga lang dating nung una kaya kala ko tuloy si ron or RG yung tumawag.. sori dude, and thanks sa call, good luck sa work mo, i'll pray for u

another week ahead.. i hope this will be a fruitful one..

Saturday, September 27, 2003

had lunch w/ tita thess, grabe, namiss ko company nya :) naayos na rin yung registration dun sa busines.. at nahila ko pa sya :D sana e ok ito..


~~~~~~~


kets kaya parang wala akong tym makinig sa mga probs ng ibang tao? hey, dont get me wrong.. naiinis lang ako kc yung isa e nagpapaloko (ikaw ba naman ay di magdududa kung hihingan ka ng P40k ng kasosyo mo para lang sa isang business permit?) at yung isa naman ay syang naghahanap ng sakit ng kanyang ulo (laging naghahanap ng katipang sanli, at hindi makuntento sa isa huh!)

2003-09-26 - 3:37 p.m.


mood is a state of mind.. and wala ako sa mood ngayon.. maybe because all i can think of is gusto ko ng mag-abroad..


handsomest & sweet ivy, sori nga pala, cant access the friendster log in page, laging cannot be displayed d2 sa ofc e..

2003-09-23 - 11:32 a.m.


nagkita kami ng college frend ko kahapon to celebrate her birthday.. updates on our careers and everything.. haaay.. super gusto ko na talaga umalis..

2003-09-23 - 10:06 a.m.


my lolah called me yesterday, ang haba ng wentuhan namin! :D bumawi sa super tagal naming hindi nakakapagchat.. went to SM north kahapon and nakuha ko na rin passport ko, yahoo!! nag-inquire na rin ako sa kanila ng package and they have US$280 4days 3nites stay plus fare. That is less than P20k.. ok na rin :D well.. have syemps the best pa rin if me maghire sa akin dun sa mga sinendan ko ng application kesa magpunta ako dun ng wala pang sure na work.. have to see my budget first..

2003-09-22 - 10:05 a.m.




Sunday, September 21, 2003

@#$%#@*&%^*&%#@

kainis tong pc na narentahan ko.. ayaw pa akong palipatin sa ibang pc.. super bagal mag-open.. sana lang e di masayang yung nirent ko at me tumawag na employers.. haaaay... hope na makapasok ako ng maaga tom para makapag-browse at apply pa sa ofc..
gustong-gusto ko ng makaalis d2.. alam kong walang kahihinatnan ang paglagi ko dito.. pero paano? mahirap umalis ng walang tiyak na malilipatan.. gusto ko nga sana ay sa singapore na.. iniisip kong umalis sa october dahil baka sa 22 ko pa makuha ang passport ko.. iniisip kong makipagsapalaran ng 1 buwan sa singapore.. kung loloobin ay makakahanap ako ng trabaho sa aking pamamalagi doon.. iniisip ko kung kaya ng budget ko.. nag-alok si RG na kung sakali e pwede nya ako tulungan financially.. pero hangga't maaari ay ayaw kong umasa.. nahihiya din akong makipanuluyan sa mga kapatid.. ang tulong lang na gusto ko ay ang mapasok sa trabaho.. pero dahil qualified ako, at hindi dahil sa palakasan..

2003-09-15 - 6:35 p.m.

Wednesday, September 10, 2003

8pm na ako nakaalis ng ofc ng lunes, kaya late na rin nakatulog. Di pa kasi tapos ang NTC project at sa Sept.11 na ang soft launch nito. Nag-LBM pa ako ng madaling araw ng martes kaya nanghihina ako, masakit ang ulo dahil sa kulang sa tulog. Pumasok pa rin ako dahil me kelangan pang tapusin sa opisina. Balak ko sanang mag-half day na lang pero hindi ko rin nagawa. 7pm na rin ako nakaalis. Hindi ako pumasok ngayon. Hindi pa rin ok ang katawan ko. Nagpaalam ako sa boss ko. Ang sabi ay may pending pa daw atang naiwan. Tumawag daw ako sa office. Haaaaay.. ewan ko ba.. nakakahina pala ng resistensya ang sobrang pagod at kulang naman sa benepisyo. Hindi ko maiwasang ikompara dun sa dati kong pinapasukan. Me panahon na mahigit isang buwan kaming umuuwi ng 10pm at pumapasok ng 830am pero hindi ko iniinda. Nagtatawanan pa kami kung maghiwa-hiwalay. Dahil alam naming makikita namin ang bunga ng aming pinagpaguran.

Sunday, September 07, 2003

an exhausting week

hindi pa pala tapos ang harrassment sa akin, to be continued this week.. early monday morning ay nagpunta na ang director ng NTC to see the project and suggest on-the-spot changes again.. haaay buhay.. buti na lang at me bagyo nung tuesday (mejo masama ata ang dating nun, heheeh) at me excuse ako umabsent.. ang tagal nga magconfirm ng boss ko tungkol sa pagpapaalam ko, kaya ang takot ko kung ano ang bubulaga sa akin ng wednesday, buti na lang at wala ng masyadong changes.. nung hapon nga e balik VFR project na ako, another draining project.. haaaaayyyy.. buti na lang at pinayagan akong umabsent ng boss ko nung thursday, nalakad ko na yung passport ko.. nagpunta ako sa DFA para sa personal appearance.. kakainis nga yung agency, 8am ang usapan namin e 9am na dumating.. 930 e tapos na ako.. umuwi lang sandali for lunch then went out again to meet my beloved PK and go to San Nicolas.. salamat at nakadalaw ulit sa beloved locale ko.. marami na ring nagbago.. may TV na sa ibaba para mas makasamba ng maayos ang mga me dalang bata at hindi magkakasya sa itaas.. nakita ko rin ang naging bunga ko sa kalihiman na ngayon ay happily married na.. swerte din dahil ang PD na nangasiwa ay ang pinakapeborit PD ko sa lokal :D

i still need some time to unwind so i decided to go out nung saturday para makapag-ikot-ikot.. nanood din ng Spy Kids 3D and unfortunately, di ako nasiyahan.. twice or thrice ko lang nakita yung 3D effects and all in all e hindi maganda yung effects, maging yung story.. eniweys, nakita ko naman ang trailer ng The Medallion ni Jacky Chan and its a date w/ me and my mom next week :D

tidbits

  • mejo mellow ang dating ni sunget, nasemplang pala ni KD, hehehe.. hanggang kelan kaya tatagal ito? hhmmmm... let's see...

  • nung nakakatulog na ako, saturday night, ay may tumawag.. ayaw ko na nga sanang sagutin.. si handsomest pala, nagising tuloy ako, hehehe.. adobong atay at balunbalunan daw ang ulam nya, naisip ko tuloy, matagal na rin palang di ako nakakakain nun.. nagutom tuloy ako, hehehe.. thanks for the call handsomest :) wag mo ako benta ha :D

  • lunch out kami ni mom, nakabili na rin ng latch and hook pattern para sa aming 2, at ng 300-piece jigsaw puzzle for me :D

  • nakakatawa sa sm north.. me sun shop sa sm city annex, pero alang signal sa basement ng sm city..