indamintaym e PAL at PMA muna ang byuti ko :) sayang nga e, nagkasakit pa ako ng 1 week, di ko rin naasikaso ang mga dapat kong asikasuhin.. at least, natapos na rin ang pagtransfer namin ng voting place para sa election..
haaay naku.. pag naalala ko yung pinagdaanan namin sa comelec na yan, di ko maiwasang ma-HB.. pano ba naman, super talaga sa kawalan ng sistema at super ginagawang negosyo ang registration at change of address / status.. kelangan kc na me ID ka ng current address mo.. pag wala? no problem, kuha ka ng police clearance.. sa police clearance, ikaw din naman ang magbibigay ng address mo, wala ka ng dapat na ipakitang documents na magpapatunay na dun ka nga nakatira.. magbabayad ka nga lang ng P50 at P30 para sa picture, ang husay di ba? yung comelec official naman ng district 2 e feeling paimportante.. nakikipagchicahan muna sa mga kasamahan nya dahil sa problema nila sa pagkain (na supposedly e sagot daw ng kung sino pero di naman natutupad)
bago asikasuhin ang mahaba ng pila sa lamesa nya.. pag ikaw na ang kaharap, hihingan ka ng kung ano-anong documents na iba naman sa sinabi nya noon.. haay naku.. ang hirap magpabalik-balik noh! bago ka makarating sa opisina nila e kelangang mong makipaggitgitan sa katakot-takot na tao..
di naman ako si san cai o si ye sha kaya wag nyo akong pagkaguluhan, please!
kakainis din ang PLDT, naghihirap na ata dahil nagkaubusan na sa directory, tapos ang pagtatanong sa directory assistance e me charge na P3.00 per inquiry! husay talaga!
haaaay naku, ano na ba nangyayari sa dito? baka sumabay na ako ke RG sa january pag feeling hopeless pa rin ako pagdating nya..






No comments:
Post a Comment