Thursday, January 29, 2004

thanks for my two good pals, lowlah abby & handsomest ajao for taking the time (and money) to call me, grabe, tats ako *sniff* haaay... miss ko na kayo.. sana sa new job ko e allowed na akong makachat kayo :D

nga pala, after a very tiring period of decision making and pangungulit, e naayos na ang gusot sa amin ng agency ko, meaning, they're setting me free! yes!! i can start a new life with a clean slate :D akala ko nga e lumalabo na ang chance ko makalipat, pero ang Ama ang syang nag-alis ng hadlang :D siguro nga e hindi ako para sa sing, saka mahahati ang concentration at kalooban ko pag natuloy ako, lagi akong magwoworry ke mom d2..

Sunday, January 25, 2004

a busy but colorful week had just passed. looking back, the week evolved mostly in work-related decision making. last wednesday, while i was on my way to the ofc, a hen crossed the street, literally! natawa nga ako e, kala ko sa mga english jokes lang nangyayari yun, hehehe.. howell.. sana e matapos na ang decision making na ito at maayos na ang lahat..

Monday, January 19, 2004

final interview at inq. had an early lunch at Weekdays in preparation. kakainis, hindi masarap ang sabaw ng sinigang nila. buti na lang, sabaw lang ang hiningi ko at ibang ulam ang inorder ko. saw my ex-ofcmates nung patapos na ako. syempre, yun ata ang official canteen ng ofc, aside sa megamall (ke laking canteen naman ng megamall, hehehe :D) eniweys, ang laki daw ng pinagbago ko. tinanong pa nga kung nagpaderma ako kc ang kinis na daw ng face ko. syempre, ako pa? hehehe :D

ok naman ang interview. sa katunayan e gusto na nga nila akong magstart ASAP. ang problema, me contract pa ako till feb29. ok lang daw sa kanila na 2 ang company ko, as long as 8 hrs ako sa kanila. haaaaaaay... bahala na kung pano ang gagawin ko... 1-9pm nga pala sched ko..

nga pala, they're still looking for one web programmer, so if u r interested, just email or leave a msg d2 sa blog ko :D

Friday, January 16, 2004

met my online bespren, in person, at last! takot nga ako nung una, matagal na kaming di nagkakausap, at yung pagiging magbespren namin tawagan lang, sya ang nagsimula. gulat nga ako nung nagtext sya na andito na sya sa pinas at magkita daw kami. tats nga ako e, pinakilala nya ako sa mga relatives nya as his bespren online. ok nga ang bonding namin kahit sandali lang kami nagkausap. kumbaga e quality at hindi quantity ang nangyari, hehehe :D by the way, baka magkasalubong ang mundo nila ni lowlah abby, parehong nasa san diego, at parehong nurse!

tumawag na din ang inq at inisched na ang final interview ko. dapat nga sana ngayon daw ng 2pm kaso alanganin, nakamaong at rubber shoes ang get-up ko, kaya niresched sa monday. kala ko nga e hindi ako papasa, mas prefer kc nila yung webmaster experience kesa applications experience. kina fafa LA naman, mejo bumilib kc puro applications experience ang nasa resume ko. tama nga siguro si handsomest, d2 muna ako sa pinas. ako naman e kung san ilagay ng Ama, dun ako :)

sa office, as usual ay 8hrs nakatunganga. buti na lang at nagpaturo ako ng basics ke mom ng paggagantsilyo, kaya ayun, nagpraktis ako sa opisina, at ok naman ang resulta! maliban na nga lang sa pananakit ng kamay ko, hehehe.. pero ok lang, at least hindi ako nainip :D
wednesday

bc si bossing sa payroll project kaya ayun, nakatunganga na naman ang beauty ko. kahit pala di ako magpaalam sa kanya kahapon na halfday ako e hindi nya mamalayan.. nagtanong din sa mall regarding ng price ng dream fone ko sa ngayon, grabe! 19k+ sya! haay naku, hihintayin ko na lang na bumaba yun, at pagbaba nun e me bago na namang model na maaaring mas swak sa taste ko :D eniweys, as a result ng kawalan ng ginagawa, eto ang isang article na idadagdag ko sa scrapbook ko (na hindi ko pa rin maasikaso, huhuhu)

Facts about Male and Female Gender


Male


  • Hindi hamak na mas malaki ang tsansa na maging chess grandmaster

  • Mas malaki ang posibilidad na maging mentally retarded habang nasa sinapupunan pa lang ng kanilang ina

  • Mas madaling tumanda ang brain cells at mas mataas ng 10 beses ang posibilidad na magkaroon ng attention deficit disorders tulad ng autism

  • 3 beses mas madalas manood ng x-rated na pelikula

  • Mas maitim ang balat at mas maraming kulubot sa mukha sa pagtanda

  • Mas may posibilidad na gumamit ng bawal na gamot kaysa babae

  • Mas palainom ng alak, mas maraming laway sa bibig at mas maraming pagkakataon na nauutal kapag may kausap

  • Mas acidic ang sikmura at mas may tsansang magka-ulcer

  • Kailangan lamang ng 3% taba sa buong katawan upang maging malusog

  • Mas madalas masangkot sa mga marahas na krimen at mas mataas ang bilang ng nagpapakamatay

  • Mas matiisin sa matitinding sakit ng katawan



Female


  • Mas madaling tablan ng sakit ng ulo

  • Sa pagtanda ay mas madaling makaalala ng mga pangyayari nang sila'y bata pa

  • Mas madalas magsimba ng 33% sa kanilang tanang buhay kaysa mga lalaki

  • Mas palangiti, mas matatas at maagang matutong magsalita kaysa kay junior

  • Mas madaling kumbinsihing kumain ng gulay habang bata pa

  • Mas malaki ang posibilidad na magka-lung cancer

  • Mas matagal tumunaw ng pagkain sa sikmura

  • Kailangang 12% ng timbang ay galing sa taba upang magkaanak

  • Mas madalas magkaroon ng arthritis at rayuma sa tuhod

  • Mas mainam lumaban sa impeksyon sa katawan

  • Mas madalang mag-ehersisyo

  • Mas matatag ang pangangatawan kaysa mga sanggol na lalaki sa oras ng kapanganakan at mas maagang magdalaga kaysa magbinata ang lalaking kasinggulang nya




hango sa Libre na hinango sa Psychology Today, August 2003

Wednesday, January 14, 2004

nakakatawa interview ko kanina.. nde makapaniwala yung nag-interview sa akin na kengkoy ako, para daw akong serious type, hehehe.. well.. he'll see pag na-hire ako dun :D
tuesday
grabe! me nakasabay ako for interview, ang cute! tapos he initiated the conversation. galing din sya sa burgundy. tapos nung dumating na yung nag-iinterview, nalaman ko na ruel din ang pangalan nya! omigosh! lahat ba ng ruel e ganun ka-cute? hehehe.. sana, pag pinalad kaming 2 dun e magmeet pa rin kami :D

Monday, January 12, 2004

monday, jan 5, 2004
first working day of the year. syempre, pumasok ako.. kakahiya naman, baka buong taon akong absent, heheeh.. saka gawaan ng timesheet, hindi ako sasahod pag wala yun, hehehe :D well.. mejo nakatunganga na naman ang byuti ko.. nasa ofc pa rin si del, extended sya for 2 days. kaya bc si bossing sa mga turn over nila.

wednesday, jan 7
hay naku.. di na nga ako pumasok kahapon dahil alam kong hindi rin ako maaasikaso ng bossing ko dahil OB sya sa buendia. balak ko sanang mag-half day pero dahil parang nakakatamad tumunganga e dinaan ko na lang sa tulog. di ko akalain na ngayon e whole day pa rin akong nakatunganga, haaay buhay.. kakapagod magpalipas ng oras habang nakatingin sa onitor. dinadaan ko na nga lang sa paglalaro ng cell pero syemps, ika nga e nakakaburaot pa rin. ang lamig pa ng aircon..

still waiting for the call.. ok naman yung lakad ko kahapon, sa katunayan e me continuation na nga bukas. tempting pa rin ang mag-abroad, lalo na ngayon at me matutuluyan na ako kung sakali.. haaay... bahala na ang Ama, maanong gabayan at patnubayan Mo po ako sa aking mga pagdedesisyon

friday, jan 9
mahusay talaga ang 2 inaplayan ko. kung kelan nagpasya na akong umalis, saka naman sila tumawag, hehehe.. eniweys, bahala na ang Ama.

monday, jan 12
had chatted earlier w/ handsomest, nahuli akong online, hehehe.. actually, pa-log-out na nga ako ng sumulpot sya.. haaay.. missed chatting w/ you dude, buti at kahit pano e nagkachicahan ulet tayo :D

Friday, January 02, 2004

the second day of the year 2004, nanood kami ng "Crying Ladies" ni mom.. arehong na-curious kung panong naging best picture ang naturang pelikula.. isa pa sa pinagpipilian namin ay ang Gagamboy, para maiba naman.. last year ay Lastikman ni Vic Sotto ang pinanood namin at ang yung pelikula ni FPJ (forgot the title). nakapag-ikot din sa mga department stores. pagod pero enjoy! tomorrow and sunday is church day, tapos, pasok na naman..

Thursday, January 01, 2004

celebrated the new year's eve d2 sa bahay, instead of going to sucat na naunang plan.. mas ok for me, parang tinatamad akong magbyahe, and eventually, tinamad na rin si mom, hehehe :D

ok naman, di naman ganun kausok at kaingay, as expected.. nakaraos din ng payapa ang bagong taon :D

kanina ay nagpunta kami sa tita ko sa pacita.. nakipagbonding sa mga pinsan ko at sa tita ko, hehehe..

Tuesday, December 30, 2003

the EB yesternight was a disaster... wala si RG tapos humabol lang yung "special guests"... haay naku.. si sunget e di rin nagpakita.. me meeting daw sila (nagstart ng 7pm at di pa tapos ng 10pm???)

anyways, nagbonding naman kami ni ingkong at tara tena.. ok na rin..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

ok naman ang naging lakad ko today.. at me nareciv pang email na ok din... options, options, options.. God, help me make the right decision

Sunday, December 28, 2003

ok naman ang naging kitakits ng chosen kahapon. pagkatapos ng panalangin, sa pangunguna ng isang regular, ay tumuloy kami sa megamall para mananghalian sa kfc. pagkatapos ng mahabang kwentuhan ay gustong mag-ice skates ng iba kaya dun kami nagpunta. dahil sabado, hindi ko na nagawang mag-stay pa.. hindi bale, babawi na lang ako sa monday.. i'm also looking forward sa pagkikita namin ni RG

all of a sudden, nung pauwi na ako ay nakaramdam ako ng lungkot.. haaaay.. sana ay lumipas na ito, alam ko namang lilipas din ito...

Friday, December 26, 2003

ok naman ang byahe kahapon, in fact, in an hour e nasa manila na ako! it was great seeing my best buddy again.. nothing much has changed, she's still the same sweet lass =)

nga pala, i forgot, nagparamdam na rin si RG, baka magkita kami sa 29.. sana nga matuloy..

tomorrow e may panalangin ang chosen sa sanctuario, first sa history ng chosen.. i'm looking forward to it, i know na magiging successful yun, sa tulong ng Ama =)

Thursday, December 25, 2003

a bc day yesterday.. nasa deparo na ako ng 7am, buti at mabilis ang byahe, 40mins lang. dapat sana e sasamba ako ng umaga kaso late na nakatulog kagabi. anyways, dahil bc sa paggawa, bc rin sa pagkain, hehehe.. naka-2 breakfast ako kahapon.. one sa kapilya, rice and adobo w/ coffee, then sa chowking, chinese ham breakfast meal courtesy of the fast-forward bride and groom, hehehe :D

grabe talaga d2.. pasko pa lang nila e matindi na ang paputok.. what more sa new year, sheeze..

ngayon e pupunta akong manila, to meet w/ my best frend doon.. sana e hindi matraffic at hindi mahirap ang pagbibiyahe..

Tuesday, December 23, 2003

wednesday, dec 17
asked joan sched ng uwi ni RG, nalaman ko na sa friday na pala ang alis nya.. akala nya ha, hehehe.. lagot sya sa akin ngayon :D

thursday, dec 18

  • tinext ko si RG na me weather forecast na me darating na bagyo bukas at around 12nn, at lilindol sa me NAIA around 130pm, yun kc ang expected time of arrival nya sa pinas, hehehe :D


  • interview at 3pm kina daddy l-ey. supervisory level at hindi na entry level ang position. ewan ko kung ano magiging result, 3 daw kaming pinagpipilian.. bahala na ang Ama, Sya naman ang nakakaalam ng makakabuti sa akin..


  • start din ng matinding pangingilo ng ipin ko.. nagsasalita ako sa interview at nalamigan lang dahil sa aircon e nangilo na, over talaga..



friday, dec 19

  • araw ng mga christmas party.. christmas party sa ofc at sa agency. syempre, wala akong inatenan, hehehe.. muntik na nga akong matukso na pumunta sa party ng ofc dahil sa podium lang naman ang venue.. buti na lang at naalala kong hindi pa pala ako nakakapagpanata at huling panata na for pasalamat.. kung hindi, lagot ako..


  • nalaman ko rin na si Ey pala ay nickname lang ng katabi ko at dati ko ng nakakausap, hehehe...


  • nalaman ko rin na hindi lang ako ang nakakaalam ng cell ni RG d2 sa pinas.. at di rin sya nagreply ng tinext ko.. bahala na si joan sa kanya kung sakali.. ako e stop na akong magtext sa kanya not unless sya ang unang magtetext sa akin..

  • dumating na rin ang gift ko for RMR, chair na winnie the pooh from dakki.. well.. di ako masyadong nasiyahan dahil monoblock chair lang pala sya na me balot ng winnie the pooh.. sabi ko nga, sana e yung pambalot na lang ang binenta.. howell.. eniweys, alam ko namang matutuwa din si RMR pag nakita ito...



sunday, dec 21, pasalamat
nagpasalamat ako ng 10am, at awa ng Dios ay mabiyaya naman.. tumupad ng 2pm at pulong ng 4pm.. ito rin ang pinakamapagsubok na pasalamat para sa kalihiman ng deparo...

monday, dec 22
nakaleave na ang karamihan ng tao sa ofc.. sumabay pa ang boss ko, naghalfday.. akala ko ay hindi aabsent dahil gagawin na ang phase 2 ng project namin.. kakainip, super patay oras.. (ang blog na ito ay ginawa sa ofc, sinave sa notepad at kinapi-peyst lang sa aking blog).. di naman pwedeng umabsent, sayang din ang 8hrs na bayad.. sa friday e halfday lang d2, 8-12.. malamang na pumasok pa rin ako.. siguro naman e hindi na ako magyeyelo nun...

Monday, December 22, 2003

Christmas wasn't celebrated by the early church until the fourth century. In the fourth century, the church decided to try to redeem a Roman pagan winter solstice festival: the festival of Saturnalia. This December holiday was considered the "birthday of the unconquered sun." Romans danced in the streets with gifts under their arms and greenery atop their heads.

Based on Biblical evidence Jesus of Nazareth was probably born in the fall near the Jewish feast of Tabernacles or in the spring around the time of Passover. Sometime before 336 the Church in Rome, unable to stamp out the pagan festival of Saturnalia, spiritualized it as the "Feast of the Nativity of the Sun of Righteousness." December 25th was chosen for the celebration of his birth by Pope Julius I. The practice was adopted by the Christian church in Antioch around 374. By 380 it was being observed in Constantinople, and by 430 in Alexandria. (The New International Dictionary of the Christian Church, p. 223.)

Germanic tribes of Northern Europe also celebrated mid-winter with feasting, drinking, religious rituals and the lighting of the yule log. During the Middle Ages, Catholic priests sought connections between biblical teachings and pagan traditions - believing that a
convergence of customs would lead more individuals to Christianity.
The
celebration of Jesus' birth was melded into other age-old practices and became
known as the "Christ mass." Firelight represented the light of
Christ. Gift giving was linked to the presents of the wise men. Trees were decorated with apples associated with the biblical Garden of Eden.

an excerpt from A History of Christmas Celebration

Tuesday, December 16, 2003

sunday

sinubok si kuya nars, sayang nga lang at naging 1hr ang dapat sana'y 30mins lang na pagsamba, ganun daw talaga yung ministrong nangasiwa.. at least, me napulot ako sa kanya, hehehe... di tuloy kami nakapag-usap.. ni hindi nga ata nya alam na andun ako..

monday
tumawag si RG, nagkausap kami for 3mins 33 seconds! wow, puro 3 pala yun ha :D nambubulahaw daw ako, pero obyus namang miss na rin nya ako :D

nameet ko na rin ang maybahay ng pastor, si jenny, 7months na ang tyan nya sa panganay nila.. di kami nagkakalayo ng edad, 29 lang sya. pinapag-asawa na nga ako, at maraming kakilala, binebenta na nga ako.. haaay.. sana e magkaroon ako ng tym para tumambay muli sa bahay nila.. parang ang sarap nilang kausap, at para maipaabot din sa pastor ang ilang mga bagay...

Saturday, December 13, 2003

tuesday, december 9, 2003


  • last day ni RG sa work nya ngayon.. sayang, di pa ako nagsasawang kulitin sya sa ym e preho na kaming alang net access ngayon.. di bale, me text naman..

  • nakigamit ng net connection sa boss ko. yung ilang araw kong pinoproblema e wala pang 30 minutes nasolve! kakainis kc, limited lang ang resources pag walang net access. whole day patay oras. bc kc si bossing at di ako maasikaso. sayang, kung me net lang ako, sulit na sulit sana ang last day of kulitan with RG

  • me kris kringle, or ang mas tamang term e monito-monita sa ofc, worth P300 or above, me wishlist din ng mga gustong gift. buti na lang, babae ang nabunot ko, hindi mahirap hanapan ng gift. kakatawa nga e, name ko ang una kong nabunot kaya twice akong bumunot

  • start na rin ng 830am na pasok, till 845 grace period

  • nagkita kami ni Che sa Galleria. nakakatuwa, di naman kami ganun ka-close nung nag-uusap pa sa chosen. akala ko nga e magkakailangan o magkakaubusan ng wento pero nde, super enjoy kaming 2 :D nagdinner sa Shakeys with matching super habang wentuhan, asaran, at tawanan :D kaya lang... naka-4 stick na passive smoke ako, waaaaaahhhh... grabe, ang lakas magyosi.. feeling ko, ganito rin si Turon.. wag naman sanang ganito si RG...



wednesday, december 10, 2003

  • sa wishlist, unang naglagay si Ey, sana magkaroon na ng internet connection ang web development. nalaman ko tuloy na hindi lang pala ako ang hirap sa situation dito. haaaay... kung chatting lang ang problema nila, madali namang masuheto yun through firewall.. at least me mga resources na available na magagamit din sa work..

  • sabi ng ofcmate ko, ang bilis daw ng araw, parang kakalunes lang, miyerkules na ngayon.. kung alam lang nya lang, ako e minamadali ko talaga ang araw para matapos na ang contract ko.. actually, minamadali ko ang weekdays, at sana ay matagal ang weekends.. kung magkakaroon ba kami ng net connection, mag-eextend kaya ako? hmmmm... abangan..



thursday, december 11, 2003

  • nagtaxi papunta sa ofc from mega. P40 kontrata. nakuuu... kung di lang ako male-late. super bagal kc ng net kagabi kaya puyat ang byuti ko.. di ko pa natapos linisin ang inbox ko..

  • called RG, ang ganda ng timing ko, nasa cr daw sya, wehehehe
    cute: kaya pala ang baho, sige na, babay na
    RG: sira, maliligo ako noh! kaw talaga, ang dumi ng isip mo
    nagkausap din kami ni Turon for 33 minutes! grabe nga e, ang dami naming napag-usapan, pati na yung ke samboy lim bumawi sa mga times na nawala

  • nagkita rin kami ni Lani. namili ng gift nya for his baby sa exchange gift, then dinner at North Park. oks ang fud, or talaga lang nagiging matakaw ako lately.. grabe, dati e sabay kaming tumitigil sa pagkain, ngayon e busog na sya, kumakain pa rin ako, weheheh :D dami naming napag-usapan, nawento rin nya yung tungkol sa soulmate nya, at maaaring may past life sila..



friday, december 12, 2003
christmas party sa ofc, syemps, di ako umatend, heheeh.. dumalo ako sa pulong ng mga pangulo at II pangulong kalihim sa distrito. di ako II pero inaya ako ni best buddy PK and ang saya-saya! :D ang ganda ng napag-usapan, may bagong ulatan na.. oks to, mas maisasaayos na ang lokal.. sana e magawa ito nila sunget...

Monday, December 08, 2003

2nd week at work.. kakainis, ang dali lang ng gustong ipagawa, pero dahil alang online help, di ko magawa, kakafrustrate! howell.. if there's one thing i learned from this job, yun ay ang countdown ng minutes, hours, days, weeks, and months para matapos na ang contract ko, hehehe...

~~~~~~~~~~~~

magkikita na kami tom ni sis che, yehey! :D kasama kaya si ingkong? hmmm.. abangan :D

~~~~~~~~~~~

sa baesa ako dumalo ng panata, nameet ko ang bago nilang pastor, kung di ko lang naalala ang nangyari sa pagtupad ko ng dahil ke sunget, malamang na bumalik na ako d2. pano, magkasundo kami sa pamamalakad! :D

~~~~~~~~~~~~~

need to wake up early tom, sa banlat ako magpapanata, 530am... nyt blog...zzzZZZZzzz...

Saturday, December 06, 2003

friday gimik

saw the Philippine Harmonic Orchestra live at SM Megamall earlier today for free! grabe, parang ayaw ko na nga umuwi. naalala ko tuloy yung times na nagba-banduria ako, member ng rondalla sa school.. haaaay... namimiss ko ng tumugtog.. parang gusto ko matuto mag-violin.. pwede rin pala sya sa masayahing tugtog, kala ko e pang-senti mood lang sya :D

went to Central to meet my PK buddy and had a long chat and updates sa mga lakad sa buhay. hinatid pa nya ako sa haus, magnenet sana kaso laging bc ang lines, ang bagal pa ng connection, grrrr!! (proof nito e ngayon ko lang napost ito na dapat e para sa kahapon)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

nakalipas na ang first week sa work.. mejo ok naman, pero definitely wont extend my contract.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

woke up dahil sa ingay ng bentilador.. maluwag na pala yung kwerdas ng lock ng electric fan at natanggal na ito kaya ayun.. si mom naman, akala e me nagbabarilan na daw sa labas namin.. di ko alam kung nanaginip sya o ano..

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

have my appointment in the dentist today, so matutulog na ulit ako.. di ko alam kung talagang sched na ng adjustment ko pero papaadjust na ako, para di ako hirap pagdating ng mg panahon ng kainan, hehehe :D nyt nyt..