Saturday, April 19, 2003

an excerpt to my kuya's email...

kahapon, friday e nagpunta kami sa dingalan, nueva ecija.. dun kami sa me ilog na me kweba.. di ko lang alam yung name ng place, hehehe.. kasama namin boss ko.. bale parang family outing nila yun tapos sinama kami, hehehe.. di ko nga alam kung yun na ang company outing namin e.. ang balak kc e sa subic sa may 1 pa.. eniweys, enjoy ang ilog, grabe! first tym ko makaligo sa ilog e, kaya excited ako, hehehe.. mas masarap maligo sa ilog kesa sa beach o dagat, hehehe.. kc nde mahapdi yung tubig sa mata.. saka grabe, ang lakas ng alon dun, kaya kahit mababaw lang ang tubig e matatangay ka talaga, heheh.. kaya kahit nde ako marunong lumangoy e nag-enjoy ako, kc dun lang ako sa mababaw, pahiga-higa sa tubig tapos parang minamasahe ka ng alon then natatangay ka na pala, hehehe... para nga akong litsong butiki e, di kc ako umaalis sa tubig kung nde pa kakain, nyeheheh kaya lang, ang sakit ng katawan ko, grabe! dapat nga e sched ko ng dentist ngayon e nde ako nakapunta.. super sakit kc ng mga braso ko e.. at super pagod kaya late na ako nagising..actually e halos kagigising ko lang ngayon, hehehe pano ba naman, umakyat kami sa bundok e nde ko naman talaga gawain yun.. super malululain nga ako e.. kaya lang, no choice, kasi dapat e pupunta kami sa cave kaso bago ka makarating dun e malayo-layo pa pala dun sa pinag-camp-ingan namin so sakay kami ng balsa, kaya lang, yung narent naming balsa e maliit lang kaya natatangay ng alon.. kaya ayun. akyat kami sa bundok.. actually, dapat e kunti lang yung aakyatin, kaso iniwan kami ng balsa, waaaaah... di ata nagkaintindihan yung nagsasagwan sa balsa at yung boss ko.. kaya ang sasakit ng katawan namin, huhuhu.. pero oks lang, enjoy, heheh.. hiya nga ako sa boss ko e, super alalay sa akin at talagang nde ako pinababayaan kc super takot nga ako dun dahil mataas e nde ako iniiwan.. tapos, grabe, yung mga taga dun e parang naglalakad lang sa patag ng umaakyat sa bundok! kakabilib talaga! pag-uwi naman namin e super hirap sumakay, kunti lang kc ang nagbibyaheng bus dahil byernes santo nga... kaya standing ovation ako from san ildefonso to camachile, hehehe.. oks lang din, sabi nga ng boss ko e "charge to experience" heheh

No comments: