Monday, November 24, 2003
had an exam earlier today.. kakatawa nga e, 4 daw kaming naka-sched for exam, pero almost 10 na e mag-isa pa rin ako e 9 supposedly ang sched ng exam. so i took na exam, then took the train pauwi. wyl waiting for the bus sa north ave, me isang guy na napansin ko dahil sa shirt nya.. something abt a nurse.. then sumakay na ako.. di naman punuan pero nakatayo na ako kc ayaw kong makipagsiksikan dun sa available seats w/c is sa pinakadulo ng bus at yung isa e katabi ang super tabang mama.. then pagtingin ko sa pinto, napansin ko na sumakay din pala yung guy na napansin ko yung shirt.. sa me munoz, nakaupo din ang byuti ko, second to the last row sa right side ng bus.. then me sumakay na guys.. mukhang mga binatilyo pa at palipat-lipat ng upuan.. then pagdating sa kanto ng congressional at mindanao ave., me commotion na nangyari sa me pintuan ng bus.. yung isang ale, nakikipag-away dun sa isang guy.. "walanghiya" yung sinigaw nya.. yun pala, snatcher yung guy.. dahil sa commotion, me isang mamang dumaan sa bintana ng bus, mismong sa tabi ko pang bintana! di ko kc agad naunawaan kung ano ang nangyayari at parang dedma yung mamang katabi ko kaya hindi napigilan yung mamang yun.. kung di sana e baka nahuli pa yun.. yung ibang sakay na mga lalake na nasa likod din e mukhang handang manggulpi ng snatcher dahil yung isa e nabiktima na ng snatcher sa bus din.. yung guy na napansin ko ang shirt e kasama pala nung ale at sya ata yung target ng mga snatchers, nakita lang nung ale.. grabe, super shocked talaga ako.. buti na lang at di ako nadamay at di napano.. talagang iniingatan Nya ako.






No comments:
Post a Comment