muntik na akong mapaaway.. nagmerienda kami sa
luk foods, papatawid na kami, e mejo pa-go signal na ang mga sasakyan, pero pwede namang magparaan, kaso me mayabang na driver ang gustong humarurot at muntik pa kaming banggain.. sa inis ko, dumaan ako sa likod nya, sabay palo sa me puwitan ng sasakyan nya..

aba! at bumaba ng sasakyan ng mama, siguro akala nya e matatakot ako sa kanya.. well, dinedma ko lang sya, tuloy-tuloy ako sa pagtawid, hehehe.. yung nasa likod nya na sasakyan e biglang napapreno at binusinahan sya, buti nga sa kanya, hehehe.. akala nga ng boss ko e kung ano na.. siguro nga, nakita nya rin ang kaha ng boss ko kaya umalis na lang, weheheh
No comments:
Post a Comment