Friday, August 06, 2004

one of the things i like in my new ofc is my work area. tanaw ko buhat dito ang nangyayari sa ibaba sa likod ng bldg namin -- ang mga naglalakad, mga nagpapark, mga paparating at papaalis na tao. higit sa lahat, tanaw ko ang kalangitan at ang mga puno. alam ko na ngayon kung ano ang weather sa labas at di na magugulat kung bumabagyo man o sobrang init (yun lang naman weather dito sa pinas e, hehehe..)




ang isa naman sa ayaw ko bukod sa mejo limited ang net access ay ang keyboard ko.. hindi gumagana ang backspace, magkaiba pa ang position ng @sign at double quotes.. ewan ko kung me ilang "bug" pa itong keyboard ko. ngayon ko lang kc nadiskubre ang backspace e ika-5 araw ko na..




bakit kaya mejo updated pa rin ako sa kung anong nangyayari sa lovelife ni denial king? pero ngayon e parang nanonood na lang ako ng teledrama sa tv.. hindi ko tinutulungan ang kasama nya sa palabas, hindi ko rin pinipigilan.. minsan, nagbibigay ng payo bilang kaibigan pero hindi ko papakialaman ano man maging kahinatnan ng palabas.. hindi ko naman siguro ipinagkakanulo ang kapatiran dito, di ba?

No comments: