Tuesday, June 20, 2006

bus incident

this happened last friday nung pauwi na ako. sa bus e ayaw kong maupo sa gitna ng pangtatluhang silya, maliban na lang kung ako yung pangatlong uupo at yun ang bakanteng pwesto. nagkataong nakaupo ako sa pangtatluhang silya at may nakaupo na rin sa may bintana. may sumakay na ale, ang gusto nya ay uurong ako sa gitna at sya ang uupo sa labas, pinadaan ko sya para makapasok sa gitna dahil ako naman ang nauna at natural, first come-first serve ang upuan sa public transport. masama ata ang loob nya na di ko sya pinagbigyan, napansin kong hindi sya nag aabot ng bayad nya sa kundoktor. tatahimik na lang sana ako, kaso tinutulak nya pa ako pausog na para bang gusto nya ako ihulog. ng makarating sa toll gate, tinanong ko ang kundoktor..

me: hindi ho ba kayo kulang ng isa? (hawak hawak ko ang tiket ko, na kinuha ko pa sa pagkakasuksok sa gilid ng upuan sa harap, baka kasi kunin pa ito ng ale at angkinin e, hehehe)

kundoktor: kulang na?

me: tiket. baka ho may hindi pa nagbabayad

umiling lang ang kundoktor

me: di pa ho nagbabayad tong katabi ko

kundoktor: (napatingin sa katabi ko, obyus na minukhaan) di bale, maagang pamasko ko na lang sa kanya yun

pababa na ako nun ng bus. ang ale, di nakatiis, nagsabi ng "pakialamera" sa akin, pero di na ako lumingon pa. kung siningil man sya ng kundoktor o pinagtinginan ng ibang pasahero e wala na akong paki


~~~~~

still bc.. kahapon e start na ng 4-day half-day training namin. kanina naman e wala pang 830 ay abala na ang lahat.


~~~~~

i dont know if i made the right decision. this idea came to me when i was taking a bath early this morning. anyway, bahala na ang Ama. alam ko namang di Nya ako pababayaan.

7 comments:

Anonymous said...

tsk, tsk, tsk... kulang pa yung ginawa mo dun sa katabi mo sa bus. di ka ba natuto ng "kabaitan" sa akin? dapat ang ginawa mo, pinagsigawan mo sa bus na hindi sya nagbayad at makapal ang mukha nya. hehehe...

at sa plano mong pangingibang-bayan, sige husayan mo. wag mo lang iiwan si nanay. :)

jary said...

hindi po pangingibang bayan ang plano ko, pero somewhat the same na rin.. saka lagi ko namang kasama si nanay :D

Anonymous said...

pangingibang-work? pangingibang-bahay? pangingibang-status ng buhay (eg. mag-aasawa ka na?)

hmmmm......

jary said...

hay naku.. kelangan talaga nating magkausap..

Anonymous said...

hinihiling ka ng m'wa? hmm...

Anonymous said...

haha... that woman deserves it...

Anonymous said...

ajaw, hmm pa rin :p

thanks for dropping by sef :)