Wednesday, August 23, 2006

what is with yesterday?

i dont know what it is with yesterday, tuesday, aug 22. it was the first working day after a long weekend. most of the people at work are in a not-so-lively-and-jolly mood. karamihan ay tinatamad, may malungkot din dahil sa lovelife. nakabangga ko rin nung umaga ang mejo maepal kong prog. ang worst e yung binalita ni ela, na naconfirm ko ngayon. nagbawas ng tao dito, at may 2 na nabawas sa dept namin. cost-cutting, downsizing ang ginamit na term. nakakagulat. nakakabigla. samantalang noon ay panay ang assurance nila na stable ang company. e ano ito? nakausap ko ang frend ko sa seattle ofc, nagbago daw ng management. kaya marahil magbabago daw ng galaw ang kumpanya. di ko ngayon alam kung ano ang patutunguhan namin, kung may susunod pa bang tatanggalin o ano.

~~~~~~~~~

nagkakaphobia na ata ako sa cubao. 2x na ako nainjan. isa nung nakaraang linggo. kausap ko pa yung imimit ko ng after lunch. sya pa nagrequest na kung pwede ay agahan namin. dumating ako ng 30mins earlier sa usapan, maaga. kaso, anong oras na ay wala pa rin sya. umalis na ako ng sumagot sya sa text. may sakit daw sya at di makakapunta. sana kako ay sinabi na nya nung magkausap, ng niresched na lang at para di sayang ang oras, pagod at pamasahe.

pangalawa kagabi. di ko inaasahan na iinjanin nya ako dahil dati na naman kaming nagkikita. past 5pm ay nandun na ako, 6pm pa ang usapan. tinext ko na sya na andun na ako para dumerecho na sya paglabas nya ng trabaho. 6pm ay nagtext pa sya na nagreredi na sya. (dapat ay nakaalis na nga sya ng oras na yun.) past 7pm na ay wala pa rin sya, at sa kabila ng sangkatutak kong text at miskol e di sya nagpaparamdam. nagpasya akong umalis na. nasa mrt na ako ng tumawag sya. nagkaroon daw sila ng mtg ng 530pm. parang magulo ata yun. kaya sabi ko e iresched na lang nya. ang gusto nya ay hintayin ko pa sya, pero sobrang pagod at inis na ako. may kukunin syang panregalo sana sa araw na ito, sinabi ko na sabihin na lang kung kukunin pa o hindi na, pero hindi ko na maibibigay yun sa kanya kagabi.

nakakainis kung bakit may mga taong hindi marunong magpahalaga sa panahon at oras ng iba. ang pera ay madaling maibalik, pero ang oras na nawala, di mo na kailanman maibabalik yun.

No comments: