Wednesday, May 09, 2007

bagong bahay, bagong yugto ng buhay

mula noong ako'y anim na taong gulang pa lang, lagi na kaming palipat-lipat ng bahay. bansag ko nga sa amin e nomad, gypsy, at npa, hehehe. at dahil ganun nga ang nakagisnan kong buhay, di nakakapagtakang isa sa mga pangarap ng aking ina ay ang magkaroon ng sariling bahay. pangarap na sa awa at tulong ng Ama ay nagkaroon na ng kaganapan. nitong nakaraang linggo, araw ng biyernes, ay lumipat na kami sa bago naming tahanan. sa kapipilit ng aking ina, nakakuha rin kami ng isang maliit na lote, at napatayuan ng munti naming palasyo. bagama't medyo marami pang bagay na dapat isaayos, nananampalataya akong simula na ito ng katugunan sa mga panalangin namin. nananampalataya din akong unti-unti ng hinahawi ng Ama ang mga gusot sa buhay ko upang ipagkaloob ang matagal ko ng pinagpapanata :)

2 comments:

aajao said...

wow! congrats! kelan ang house blessing? invited kaming dabarkads at si ayah ha!? ;)

talagang pag may tiyaga, may sinigang! :D

jary said...

sige ba, basta magdadala ka ng luto mong sinigang :D