O aking Ama, iyong dinggin
Mga pagsamo ng Iyong alipin
Nababatid mo, aking pangangailangan
Maawa Kang ipagkaloob
Ang makabubuti sa aking kapakanan.
Maanong ikubli, wag katitigan
Mga pagkakasalang aking nagawa
Nadala ng aking kahinaan
At ng aking kapaligiran.
Ipagpatawad din naman
Ang mga pagkakataong nasumpungang
Pinanghihinaan, nawawalan ng pag-asa
Maanong Iyong ipagkaloob
Matibay na pananampalataya.
Maanong ako'y Iyong hawakan
Lagi na ay Iyong gabayan
Wag itulot na mahila
Ng masamang layaw ng sanlibutan.
Bigyan din ng pusong masunurin,
Matutong wag manangan
Sa natatanaw ng paningin
Manapa ay ipagkatiwala
Ang lahat sa Iyong magagawa.
Amen.
formerly titled "panata", written may 9, 2007






No comments:
Post a Comment