Thursday, September 11, 2008

bagyo, ulan, baha

papunta akong makati kahapon sa isang interview ng di kawasa'y bumuhos ang super lakas na ulan. zero visibility na nga, buti na lang at di ako ang nagmamaneho. pagdating sa bababaan ko ay pwede ng magswimming sa taas ng baha. hanggang tuhod ang baha at ang ibang mga sasakyan ay nagsisibalikan na dahil di na sia makakadaan pa. awa ng Dios, nakarating naman ako ng payapa, at ang tanging basa lang ay ang aking sapatos at paa (nakasandals naman kasi ako). inabot nga lang ng kulang kulang 3 oras ang biyahe ko na dapat sana'y wala pang isang oras. dumating ako ng pasado alas-tres sa aking pupuntahan na kung saan alas-dos ang aming usapan.

well, ganito talaga ang buhay. nakauwi naman ako ng matiwasay kahit na mejo mahirap sumakay. sayang nga lang, di ko dala ang camera ko para nakunan ko sana ng larawan ang mga kalyeng aming nadaanan.

No comments: