Monday, January 11, 2010

Pangyayari sa Bagong Taon

Happy New Year! Alam ko, may 10 araw na ng 2010 ang nakalipas, pero still, new year pa rin naman wehehehe. Share ko lang ang kababalaghang nangyari sa akin, o baka bunga na rin ng kunting katangahan wehehehe.

This is for those who want to get or renew their passport na hindi dumadaan sa agency. I went to DFA last Dec 29, 2009 to renew my passport. Hindi na ako dumaan sa agency since hindi naman ako nagmamadali plus mas tipid kung deretso na, and base sa mga naririnig ko e hindi naman ganun kahaba ang pila. Before I went there, I had the necessary requirements with me as stated sa website ng DFA

Facing the DFA building, don't walk on the right side bangketa kung saan maraming mga stalls ng kumukuha ng picture ID and nagxe-xerox. Dun kasi ako naglakad and ang daming mga nanghaharang na mga tao. Dere-derecho na nga lang ako at hindi ko pinapansin ang mga nanghaharang. Nung nasa may gate na ako, may isang lalake na nagpakita ng ID at taga DFA daw sya. Hiningi yung mga requirements ko at sabi na kulang daw ng thumb mark kaya pinapunta nya ako dun sa katabing tindahan para daw magpathumb mark. Sa tindahan, nag thumb mark na ako. Hiningi ang picture ko. Ang dala ko ay may white na background since yun ang nakalagay sa website nila. Dapat daw ay blue background so nagpapicture ako sa kanila for P160. After, niresibuhan ako ng P180, yung P20 daw ay para sa plastic ng passport. Pinagmatigasan ko na hindi ko kelangan ng plastic kaya P160 lang ang babayaran ko. Wala naman silang nagawa. Pagka-cut ng picture ko at ng madikit na sa forms, siningil ako ng P12 sa pagdidikit daw ng pictures. Tapos sa "Gate 2" na daw ang punta. May nakasabay ako na isang balikbayan, OFW sa middle east. Pagdating namin sa "Gate 2", agency pala yun. Base sa resibong binigay nila, sila ay ang RBC Travel & Tours na may address 215 CK SY Diamond Bldg., Libertad St., Pasay City. Nung nakuha ko ang resibo, dun na sumama ang loob ko dahil nalaman kong agency pala sila at pakiramdam ko ay naloko ako. Ang sinisingil sa akin ay P1,700, hindi pa kasama ang pagpapadala ng passport sa bahay. Pag gusto kong ipadala sa bahay yun ay magdadagdag ako ng P200.

Nung Jan 7, 2010 ay nag-appearance ako sa DFA. May nakasabay ako na first-time na kukuha ng passport. Talagang nag-agency sya at sa RBC nga. Nang makarating kami sa DFA, binilinan kami ng taga-agency na sumama sa amin na ang agency ko daw ay Yiapanda, at ang sa kasama ko ay EISEC (di ako sure kung tama ang spelling). Hindi daw RBC ang gagamitin namin. Hindi ko alam ang dahilan sa nasabing bilin, pero lumalabas na hindi rin ata sila authorized ng DFA?



Ayan, napahaba na, minsan lang naman ako mag-update ng blog e wehehehe. Maraming nangyari ng 2009 pero ang 3 sigurong pangyayari na di ko malilimutan ay ang: pagpanaw ng Ka Erdy, ang bagyong Ondoy, at ang pagpunta namin sa Bacolod.

Sa taong ito, ayun sa hula ng FB, ako ay isasakal wahahaha. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa taong ito pero ngayong first quarter ng 2010 ay magiging abala ako sa mga bagay-bagay.

Sa ngayon, eto ang fave song ko, at napansin ko lang ito ng kinanta ni Judy Ann Santos sa ASAP XV kahapon

The Climb lyrics
Songwriters: Alexander, J; Mabe, J;

I can almost see it
That dream I am dreaming
But there's a voice inside my head saying
"You'll never reach it"

Every step I'm taking
Every move I make feels
Lost with no direction
My faith is shaking

But I gotta keep trying
Gotta keep my head held high

There's always gonna be another mountain
I'm always gonna wanna make it move
Always gonna be a uphill battle
Sometimes I'm gonna have to lose

Ain't about how fast I get there
Ain't about what's waiting on the other side
It's the climb

The struggles I'm facing
The chances I'm taking
Sometimes might knock me down
But no, I'm not breaking

I may not know it
But these are the moments that
I'm gonna remember most, yeah
Just gotta keep going

And I, I got to be strong
Just keep pushing on

'Cause there's always gonna be another mountain
I'm always gonna wanna make it move
Always gonna be a uphill battle
Sometimes I'm gonna have to lose

Ain't about how fast I get there
Ain't about what's waiting on the other side
It's the climb, yeah!

There's always gonna be another mountain
I'm always gonna wanna make it move
Always gonna be an uphill battle
Somebody's gonna have to lose

Ain't about how fast I get there
Ain't about what's waiting on the other side
It's the climb, yeah!

Keep on moving, keep climbing
Keep the faith, baby
It's all about, it's all about the climb
Keep the faith, keep your faith, whoa

2 comments:

aajao said...

dami talagang manloloko sa Pinas. GRRR!! kami rin pala magre-renew ng passport. pero baka mag agency kami.

happy new year! wish ko sa yo ngayong new tear eh happy new DEAR! ;)

jary said...

mas ok pa nga na nag-agency na lang ako from the start, baka 'free delivery' pa ng passport