Saturday, August 30, 2003

job hunting pa rin.. ewan ko ba.. kets kaya biglang parang gustong-gusto ko na makaalis.. pero naiisip ko na baka nek year pa ako makaalis, ok rin yun kc gusto kong and2 ako sa december, mas ok kung sabay kami ni RG sa pagpunta sa sing.. eniweys.. bahala na ang Ama, alam ko namang di Nya ako pababayaan.. isa ng tanda yung bago naming business, di ba? :)
PaKyAwAnG bLoG uPdAtE

haaaaay.. ano-ano ba nangyari sa akin for this whole week? sana matandaan ko lahat.. hirap kc, ang bagal ng connection sa bahay, ganun din sa ofc, plus sobrang hectic sched ko ngayon dahil sa DILG-NTC project kaya ilang araw ng harassed beauty ko.. di na nga kami nagkakachicahan ni RG e, di magtugma yung tym na mejo maluwag ako sa tym na mejo maluwag sya.. si Bern naman, mejo nadedma ko pa nung isang araw.. thursday yun, tumawag sya sa ofc, sakto namang me on-the-spot-add-this-to-the-project ako kaya ayun.. haaaay buhay.. buti na lang, ASP ito, kung nde, naku, wag nila akong maharass-harass, hehehe.. si BigBoss din e mejo pressured na sa VFR kaya napepressure na rin sina buntis.. nagkasabay-sabay mga projects, pero same number of peepz pa rin kami.. buti na lang at nanjan si Ngets, laking tulong nya talaga sa akin, idol talaga, heheeh :D

dumating na rin yung BC ko nung thurs, tues ako nagbayad sa metrobank, ang bilis lang ng processing.. kanina naman e nagpunta na ako sa agency after ng appointment ko sa dentist.. paid half tapos yung other half e pag nakuha ko na yung passport ko, dun ko na rin kukunin sa agency.. sana nga e matuloy ako sa tuesday magpersonal appearance para ok na.. and i need a break.. sana e makapanood man lang ako ng sine.. maganda kaya yung 3D spy kids? hmmm.. bahala na..

Sunday, August 24, 2003

Thursday, Aug 21

2nd day na nagkita kami ni beloved PK.. napapadalas ata pero oks lang, ang saya nga e (noh) ok ang naging result ng interview nya.. sana e ok nga yung company na papasukan nya para makalipat din ako dun if ever..

Friday, Aug 22

Nagpunta ako sa Tondo.. morning e pumunta kami ni mom ke Tita Conching.. nung hapon e dinaan ko yung padala kina xtn then nagkita kami ni Aydes sa HP.. ala na palang sinehan dun so we went sa RobMla to watch Nemo.. grabe! ang ganda nya! ang daming lesson na makukuha :D dapat e mapanood to ng anak at magulang *okay*

Saturday, Aug 23

Kasal ng aking kumare.. met boss Charlie, nagtutulakan na kami kung sino ang susunod.. kami na lang ang naiiwang single sa Charlie's Angels.. haaaay.. im happy for you mare, the search is over.. ako kaya, kelan? kung susundin ang trend, last year nauna si Rachel, then ikaw naman this year.. next year kaya? sana.. howell..
*yawn* fuyat ang beauty ko... false alarm news na si EGM or EVM ang mangangasiwa kanina sa lokal, nagdoble tupad pa tuloy ang mga diakono at diakonesa.. sinamahan ko si mama sa kapilya.. pero oks lang..


kagabi e sa central ako sumamba.. nagkita kami ni beloved PK and catch up on things.. first tym kong sumamba sa central, at saktong ang nanalangin sa una at nagbasbas e ang isa sa labs kong mtro, si MS :D nagkita rin kami ni eustaquio sa wakas! grabe! mababang loob talaga sya at ang cute ng dimples! mangani-nganing yakapin at halikan ko, pero syemps di pwede, hehehe :D eniweys, i cherish this day :D

2003-08-21 - 9:21 a.m.


ang dami kong fone calls kahapon.. one of which came from a good frend of mine na miss ko na ang company.. thanks pare! *glee* good to hear from you, lalo na't alam kong okay ka jan sa bagong tahanan mo :)

2003-08-20 - 9:27 a.m.


kainis yung connection ko sa haus.. is it my fone line? or pangit lang talaga isp service ngayon? howell.. sayang yung sinulat ko kahapon, ang haba pa naman ng nasulat ko na.. anyways.. kahapon lang ako nagpunta sa makati shangrila.. di ko kc naitakas iprint yung resume ko nung monday night kaya nakisuyo na lang ako sa mabait kong frend na diakono.. then ang dami pang aberyang nangyari pagdating ko sa makati shangrila, wala daw ganung name na guest na nakalist.. nagnet pa ako at humingi ng favor ke RG para tawagan nya yung company at iconfirm kung natuloy nga ba.. natuloy daw so balik ako ulit sa makati shangrila.. this tym e iba na yung receptionist at kilala nya yung guest.. di naman ako ininterview.. kinuha lang resume ko at pinapasend ako ng soft copy thru email.


di ko pa naasikaso passport ko.. ang hirap kc kumilos dahil sa bagyong si Lakay.. buti nga at dininig ng Ama ang panalangin ko at hindi ako gaanong nabasa ng ulan..

2003-08-20 - 9:20 a.m.



Sunday, August 17, 2003

went to deparo yesterday to get my TOR and diploma.. found out that I had kept my job certificates from my previous employers so I took it along.. went to have my passport pic taken earlier today.. Im planning to go to makati tomorrow to apply and hopefully, I can go to DFA on tuesday for my passport.. wish me luck guys..

ano man ang mangyari, alam kong kalooban Nya ito..
nga pala, nagblack-out kaninang 4pm sa US.. parts ng canada at ng new york actually.. parang nasa pinas na ulet si handsomest *glee*

2003-08-15 - 10:30 a.m.


kainis! grabeng traffic! tama ba namang pagsisiksikin lahat ng bus sa ilalim ng mga flyover? over na toh!

2003-08-15 - 10:29 a.m.


Tuesday, August 12, 2003

ayaw maayos ng acct nya sa chosen.. haaay.. tom na nga lang.. aga pa ako tom.. gudnyt blog
dalawang magkasunod na gabi ng reunion.. kagabi ay muling nagkasama-sama kami ng mga malalapit kong kaibigan sa san lucas.. isang ex-diakono at isang diakono at pangulo ng pnk.. naging maganda naman ang talakayan, bagama't medyo nakasentro sa akin ang usapan.. gaya ng inaasahan, nagkapalitan muli ng kaalaman na may kaugnayan sa teknolohiya at mga pagdedesisyon sa career at iba pang mga bagay-bagay... naging makabuluhan naman sa kabuuan ang naging talakayan, at busog din ang tyan, salamat sa aking kaibigang diakono na sya ko ring naging takbuhan mula ng ako'y magkaproblema sa hanapbuhay.. kanina naman ay pagkakatipon ng mga PLM-CBI, alumni at mga kasalukuyang nag-aaral.. ayaw ko sanang dumalo sa nasabing pagkakatipon, dangan nga lamang at nahihiya ako sa aking ka-alumni na masigasig sa pagbuo ng samahan.. gaya ng inaasahan, ako lang ang nag-iisang senior na dumating.. at di tulad ng nakaraang pagkakatipon, maraming mga kasalukuyan pa lamang kasapi sa CBI ang dumalo (15 sila).. nakakatawang nakakainis na nakikibalita pa rin ang nag-iisang diakono sa aming grupo.. salamat at natapos naman ng masaya at matiwasay ang pagkakatipon..

Monday, August 11, 2003

went to my former but beloved locale yesterday. good news! itatayo na ang bagong kapilya namin :D malapit na talaga akong bumalik doon, gusto kong maranasan ang pagsasaayos ng tala sa panibagong lokal.. at ang pananatiling maayos nito.. baka hindi na rin tumuloy si Switty na umalis.. wala palang nakakaalam na aalis na sya kung nde ako.. mukhang nadulas pa ata ako nung naghihintay sa pulong..

magkikita kami mamya ng san lucas tropa.. sana maging fruitful ang discussion..

Saturday, August 09, 2003

got his pic at last, hehehe.. namiss ko rin syang kausap pramis.. haay life.. magulo ang career ko, mejo makulay naman ang lovelife.. ganito ba talaga kuya? :D
Chosen EB kagabi.. around 1230am kaninang umaga ako nakarating d2 sa bahay.. grabe, di ko akalain magiging ganun sya ka-sweet.. katxt ko pa till 2am, tapos me wake up call pa ng 830am.. ganda ng naging usapan namin kagabi ha, kung totoo yung sinasabi nya na nangyari sa kanila ng ex nya, ok sya.. kaya nyang magpakatotoo sa nararamdaman nya.. ang saya din ng EB kagabi kahit maraming uninvited guests.. mejo bitin nga lang sa bonding tym.. sana matuloy yung lakad sa 22 para maituloy ang nabitin na chicahan, hehehe.. nga pala, me pic kaming 2.. ewan ko nga kung ano kalalabasan nun.. sana pwedeng makapagkolorum sa monday, mukhang juicy ang magiging talakayan pag nagkataon :-)

haay.. enough for this.. job hunting muna.. sana yung next job ko e yung magtatagl na ako...

Wednesday, August 06, 2003

just want to share it with you guys.. timely to sa akin..

Why Worry?

There are only two things in life to worry about:







Whether you are well
or whether you are sick.





If you are well,





then there is nothing to worry about.







But if you are sick,





there are only two things to worry about:







Whether you are going to get well





or whether you are going to die.











If you get well,





then there is nothing to worry about.







But if you die,





there are only two things to worry about:





Whether you are going to go to heaven
or whether you are going to go to hell.





If you go to heaven,





then you have nothing to worry about.







But if you go to hell,





you'll be so busy shaking hands with all your friends,





that you won't have time to worry!



So, Why Worry?







Be Happy








Do not cry if the Sun sets at the end of the day, because the tears will not
let you enjoy the beauty of the Stars.
what a day! had browsed my mails earlier today at mejo di na naging masaya ang araw ko dahil sa email ng frend ko.. nakita ko rin na me email ang boss ko, pero di ko naman inakalang ganun ka-over yun.. kainis talaga, grabe! biruin mo ba namang higpitan kami sa paggamit ng office facilities (yun ngang fax at printer e hirap na hirap na kaming gamitin, di tulad dun sa dati kong pinapasukan), pinagbawal din ang fone calls during office hours unless emergency (sabagay, di na ako apektado dito..), at bawal na rin mag-email, magsurf, at magchat ng hindi work related.. pati pasok e nde na flexi, at pag nalate ng 1hr e considered half day na (mejo hindi rin ako apektado dito..), magkakaroon na rin ng dress code.. pero, ang talagang kumbaga e injury ay tig-5 lang ang VL at SL namin! samantalang dun sa dating pinapasukan ko e tig-15 yun, convertible pa ang SL.. di ko na ninanais na gawin nilang convertible yun, kaya lang, parang sobrang pananakal na yun! at magkakaroon lang kami ng SL e after pa ng 1 yr of service, samantalang ang alam kong ganun e VL lang.. haay naku.. kung noon e naiisip kong parang wala akong kinabukasan sa kompanyang ito, dahil walang career path, lalo na ngayon.. dangan nga lamang at nahihiya akong umalis noon, pero sa ginawa nilang ito, nagkaroon na ako ng dahilan para umalis.. hindi na sila competitive sa market.. pasensyahan na lang.. sana magtapos pa rin ito sa maganda.. pero ewan ko.. bahala na.. di ko rin alam kung san ako pupunta, abroad na ba o local employment pa rin? basta ang alam ko, sign na ito galing sa Ama.. di ko lang alam kung ano ang balak Nya para sa akin, pero alam kong Sya ang syang papatnubay at gagabay sa akin..
just read a letter from a frend of mine, w/c somehow dampens my mood.. grabe, nagbabago nga talaga ang tao sa pag-usad ng panahon.. howell.. need to take it as a challenge.. kaya lang, ang isang nakakasakit sa damdamin, ganun ba talaga kababa ang tingin nya sa akin? o wala lang syang tiwala sa mga kasama nya dun sa sg? sabagay, napapabalita namang mejo loner sya dun at iba ang tropa nya.. haaay.. ewan ko, parang me nararamdaman tuloy akong gap.. wag naman sana..
dumating na kahapon ng madaling araw (pinas tym) si handsomest sa canada.. aga ngang nagtxt at nanggigising, hehehe.. ok naman ang naging flight nya, good for him :)

~~~~~~~~~~~

dapat e magkikita kami ng beloved PK ko kahapon, sayang at di natuloy.. pero blessing in disguise na rin siguro kc me nakabalandrang sasakyan sa harap ng bahay at wala akong madaanan, parang inari na yung kalsada

haaaay.. kelan kaya kami magkikita? di naman sya pupunta sa friday.. lapit na rin syang umalis..

~~~~~~~~~~~

lately, nagiging HB na naman si mom.. buti na lang hindi sa akin.. malamang sa inis dun sa may ari ng bahay.. howell..

~~~~~~~~~~~

matutuloy kaya ako this year sa pag-alis? gusto ko sana na nandito ako sa december, kung nde super mahohomesick siguro ako nun.. daming activities nakaline-up sa december, daming uuwi, kasama na ang kuya ko..

~~~~~~~~~~~

heard sa news na me bombing sa jakarta, indonesia.. sana hindi affected si superstar..

Sunday, August 03, 2003

ano ba ang agenda today? we'll be going to makati to meet my aunt.. me coup pa ba? ay, grabe, speaking of coup, sobrang kakatakot yung kumalat na balita last friday about sa coup na yan ha.. i hope whoever started that thing will wake up.. nde magandang biro yun..
Wednesday, July 30

Reunion with CBI-PLM. Actually it was a despidida for one of my colleagues who will be going to Riyadh. Actually, ngayon na ang flight nya. It was fun, we were 13 in all, 7 ang mga kasabayan ko, actually, 6 lang, then yung isa e nag-abot kami nung paalis na ako ng PLM. Pumunta din yung current pres and secretary. Plus yung iba e ngayon ko lang nakita though kasama sa email list. Grabe, parang ang tanda ko na, the current president just graduated from elementary when I graduated from college. Dumagdag na yung nag-aate sa akin, huhuhu.. pero ang sarap nilang kasama, pramis.. I'm planning to attend the G.A. on saturday, para naman maituloy ang bonding we had dinner at BK para bottomless drinks at mahabang wentuhan, pero kaasar yung chicken nila, puro balat.. eniwey, kung sino man yung nagtreat e thanks, talagang bossing na mga kasabayan ko, hehehe..


Thursday, July 31

Had lunch with a makulet person kahit me baon akong lunch.. grabe, ayaw tumanggap ng "no" for an answer.. called twice pa at same dialogue.. haaay naku, kung di ka lang malakas sa akin.. eniweys, I know that I'll miss these times with you..


Friday, Aug 1

Despidida of a good frend.. grabe, ayaw kong umiyak, pramis.. buti na lang at nandun ang super lurker at intrigerong nedz, sya ata ang nangunguna sa pang-aalaska, hehehe.. pero ang daya nung nagpadespidida ha.. ibenta ba naman daw ako, hmpf! tapos ala man lang iniwang remembrance sa akin eniweys, ingat ka pare.. ay, sayang, di natin nakanta yung "This guy's inlab w/ u pare" i hope magustuhan mo yung pabaon ko, though marami pang kulang yan.. pag-uwi mo, dalhin mo na lang ulit, dadagdagan ko na lang

haaay naku.. puyat to the max ako, went home past 2am na.. buti nga di ako nahati e pupunta pa ako sa Quiapo mamya for the G.A...


Saturday, Aug 2

Woke up around 9am, pwede pang pumunta ng G.A.... kaso me dumating pang bisita kaya di rin ako nakapunta ng Quiapo.. kainis, sobrang nanghihinayang talaga ako at di ako nakapunta sa G.A.

Tuesday, July 29, 2003

phoeeey... this month, i'll say many goodbyes... goodbye to my college frend coz he'll be leaving for riyadh on the 3rd (though we're not that very close..).. goodbye to my good frend who will be going to canada, i'll surely miss him, but i know that he'll be back :).. goodbye to my frend's single blessedness for she'll be getting married late this month (grammar check pls).. eniweys, i know naman that these goodbyes are just markers that a chapter has ended and a new one opened.. and with the new opened ones, challenges arises which brings color to our life :)

Sunday, July 27, 2003

yipeee!!!! naka-log in din ako sa blog ko sa wakas!!! gosh, i missed my blog! thanks to handsomest jon, for updating my blog thru copying and pasting from my temporary blog :D ayan! nakabili din ng modem sa wakas! sana naman e tumagal to ng mahabang panahon.. mga 10yrs, ok na, hehehe :D

Thursday, July 24, 2003

haaay naku sis.. mas ok nga na nde nagko-confide sa yo si ever.. frankly, nandidiri na ako jan, wag ka na lang maingay...

2003-07-23 - 5:36 p.m.


what happened yesternight? howell.. dapat magkikita kami ng barkada kaso me importanteng activity si handsomest kaya na-cancel.. blessing in disguise din, thursday and i went out to dine.. nope, i wouldn't call it a date.. here is an excerpt from my email to my bro..


"nothing much.. we just had dinner sa chowking... nagpunta ako sa ofc nya e me inaayos pa sya so umakyat na ako instead na sa lobby lang ako.. actually, pinaakyat na nya ako kc nagpatulong sa pc, hehehe.. tapos yun, me tinapos pa sya sandali, nag-uwi pa ng work (ewan ko lang kung nagawa, hehehe..).. tapos yun, sakay kami sa jeep papunta sa chowking.. nasa frontseat kami, then chicahan.. tapos pinapagselos pa yung crush nya e nde naman magseselos yun, hehehe.. tinext na magkasama nga kami nagdidinner sa chowking.. tapos napag-usapan yung isa pa nyang crush na feel ko e me chance sya.. ayun, nakwento mga dating usapan nila.. ok lang.. di naman ako kilig dun sa labas namin.. pero cute ng kilay nya grabe! heheh :D"

2003-07-23 - 10:00 a.m.


pikon ka na sa akin? sori ha.. word of advice, nandidiri ako sa yo, so wag ka ng lumapit sa akin.. and sori din, di na rin kita kayang galangin..

2003-07-22 - 1:13 p.m.


thanks frends, for lifting up my spirits :) what will i do w/o u guys? :)

2003-07-22 - 12:39 p.m.


virtual life is really a very complicated life and shouldnt be mixed w/ the real life.. haaay...


i appreciate your being open-minded.. but i cant blame those who would think otherwise.. thanks..

2003-07-22 - 10:05 a.m.


hindi ko akalaing i would value his opinion this much.. but i had known his answer all along..

2003-07-22 - 9:15 a.m.


a stressful day.. (spell check pls) grabe! ang sakit sa mata at ulo ng ginagawa ko, plus ang dami ko pang nalamang lihim.. wala talagang lihim na hindi nabubunyag.. pero sana, wag na akong multuhin ng kahapon...

2003-07-21 - 6:38 p.m.


darn! i have to learn to control my emotions.. stop thinking about him.. stop missing him.. howell..


me good news ang katiwala namin.. me lilipat daw na dating full time sa amin.. howell.. i think i'll wait for him before deciding to say goodbye sa locale.. i dont want to leave, i've learned to love the people here and will surely miss them.. pero kung nde maayos ang lahat, ayaw ko namang manatili sa paurong na sistema..

2003-07-21 - 10:34 a.m.


migraine attack :(( di naman pwedeng umabsent, ang daming gawa.. haaay.. maalis na sana to...

2003-07-18 - 9:52 a.m.


i need to buy a new modem... waaaah.. gastos na naman :((


kainis, i was planning to take a half-day leave this friday, kaso, ang daming projects na dumating.. mga dating projects, bumabalik at nagmumulto, waaaah....

2003-07-17 - 9:44 a.m.


di kami natuloy ni baby sis kagabi.. mejo blessing in disguise na rin kc tinapos pa namin yung vfr project e 730 na rin ako nakaalis ng ofc.. met w/ my PK pal.. chica, nagpanata sa Ugong, then late dinner.. oks naman..


birthday ngayon ng 2 kasama ko sa PLM-CBI.. Erwin and Olay, happy birthday to you!!! :D


kaya lang, parang masyadong acting sweet pero deceiving tong si mokong ha... if i didn't know better, baka iba isipin ko.. howell.. that's the type of guy na kakatakot makasama..

2003-07-15 - 10:32 a.m.


i would like to thank handsomest for copying my posts here to my blog :D peyam na rin ng modem mo para di na ko bibili at maa-update ko na blog ko sa haus *glee*


wento ko lang nangyari sa akin nung sabado.. grabe, naglalakad kami pauwi ng

mom ko from kapilya, nasa tabi lang kami kc walang sidewalk dun.. tapos me

isang taxi na humarurot, nag-overtake, tapos nahaging ako.. tumama pa nga

yung side mirror ng taxi nya sa siko ko.. tapos ni hindi man lang huminto..

kung nahagip ako nun e malamang na hit and run yun.. buti na lang, di ako

napano.. yung side mirror nya ang nasira.. yun ngang nasa passenger seat nung taxi e nagbukas pa ng pinto, tiningnan kung ano yung nabasag, pero alang paki yung driver, sige pa rin sa pagpapatakbo.. talagang iningatan kami ng Ama! takot na takot nga mom ko, kala kung napano na ako.. pero talagang ramdam mo yung kamay ng Ama na humawak sa amin.. kc kung di pa ako nagreact, di malalaman ng mom ko na muntik na akong mahagip nun e magkahawak kamay lang naman kami..