kurot sa puso..
usapan kaninang lunch..
opismeyt 1: ano ulam mo?
opismeyt 2: embutido na me sawsawang atsara saka itlog na maalat.. (marami pang ibang ulam..)
opismeyt 1: ang dami naman nyan.. e ano dessert mo?
opismeyt 2: leche flan saka ice cream.. kakasawa nga e, sabi ko sana magbuko-pandan man lang saka fruit shake..
opismeyt 3: ayos ah, kakagutom yang usapan nyo
opismeyt 1: nagpapagutom lang kami (sabay tawanan)
hindi ko maiwasang maalaala si erwin, yan kasi ang isa sa paborito nyang gawin noon, itanong kung ano ang ulam ko at dadagdagan ng kung ano-ano bago sya kumain..hindi ko alam kung bakit may kumurot pa rin sa puso ko..
pagtapos ng lunch, naalala kong sumilip sa frendster, matagal ko ng balak gawin ito pero nakakalimutan ko lang. ang dami ko na ngang pending frendster request at private messages. me inapprove din akong isang testi. gumawa rin ako ng testi para sa dati kong kasama sa pdi. sa pagbabrowse sa frendslist ko, nakita ko ang picture ng pinakamamahal nya, naisipan kong iyun ay tingnan. nakita kong may pangalawang ginawa syang testi para dito, 100% cute.
pinakiramdaman ko ang sarili ko. nagseselos ba ako? ang totoo, hindi ko alam. ang alam ko lang, may komunikasyon pa rin sila pagkatapos ng nangyari sa amin at ika nga ay good for him. ano kaya ang mangyayari sa huwebes? sa totoo lang, ang inaabangan ko na lang ay kung ano ang gagawin ng true love nya. sayang nga at bawal ang ym dito sa ofc, gusto ko sanang makausap ang true love nya pero marahil ay itinulot na rin ng Ama na wag muna kaming magkausap.
nakamove on na nga ba ako? sa tingin ko, oo. nanumbalik na ang aking interes sa guys at sa katunayan ay 2 ang crushes ko ngayon. good sign for me din yun dahil maiiwasan kong dibdibin ang crushes ko dahil 2 nga sila at syempre, maiiwasan ko ring mahulog sa kanila na baka maging one-sided lang. wala na rin akong pakialam sa kung ano ang nangyayari sa kanya. tanggap ko na ang kung ano mang nangyari sa amin at hindi ako nagsisisi sa mga naging desisyon ko. bagamat hindi ako sang-ayon ay naiintindihan ko sya at napatawad ko na rin sya. lesson learned na lang ang lahat ng iyon para hindi maulit sa ibang pagkakataon. hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ko pag nagkita kami pero ipinauubaya ko na sa Ama ang lahat.






No comments:
Post a Comment