yesterday, as my mom was crossing the street on her way to church, a motorcycle suddenly hit her from behind. lucky for us, me naglakas loob na lumapit para tulungan ang aking ina. buti at hindi rin tinakasan ng nakabundol sa kanya ang obligasyon. at ang higit na ipinagpapasalamat ko ay hindi naman sya nabalian ng buto, salamat sa Ama. maliban sa gasgas at pasa at shock, sabi ng doktor ay wala namang ibang naging pinsala sa kanya. sana ay magtuloy-tuloy na ang kanyang paggaling. naging daan din ang nangyari upang dalawin kami ng aking kapatid sa bago naming bahay.
kaninang umaga, sa aking pagpasok sa opisina ay nakabunggo naman ang dyip na aking sinasakyan ng isa pang sasakyan. buti na lang at hindi naman malakas, wala naman daw naging pinsala dun sa sasakyan kaya di rin kami nagtagal. kundi siguradong late ako, unang late ko simula ng ako'y pumasok dito.
ngayon, hindi ko alam kung bakit di pa rin naaalis ang aking kaba. naaalala ko noong ako'y nagmamaneho at naaksidente, at ang nangyari sa aking ina, at ang nangyari kaninang umaga, na mild lamang pero di ko alam kung bakit ganito ang naging impact sa akin...






No comments:
Post a Comment