super saya at kilig ng EB last friday. medyo bitin lang pero not bad considering na unang EB yun ng grupo ;)
pagkauwi e di ako makatulog. mukhang super hyper at gising pa ang utak ko. di ko alam kung dahil sa frapp na nainom ko courtesy of daddy chair na dati naman ay walang epekto sa akin, o may nag-iisip sa akin, charing! hehehe..wish ko lang :D
as usual, my body clock woke me up at 6am the next day, naghanda na sa pagdalo sa Tanging Pagtitipon ng hapong iyon. kelangang umalis ng medyo maaga dahil di ko kabisado ang area, plus magmimit kami ni handsomest for lunch (na super late ng dumating, hmpf! :p) para sabay na ring dumalo sa pagtitipon.
after ng pagtitipon, di natuloy ang bestfrend ko na dapat ay pupunta sa haus so pagkauwi ay nagpahinga, at naghanda para sa pulong ng kalihiman sa gabi.
linggo: gumising ng maaga para dumalo sa pagsamba, naidlip sandali at sinamahang mamalengke si mommy, sa hapon naman balik kapilya para tumupad.
kanina, woke up at 6am para maghanda na papasok. ang unang bungad sa akin ng mommy ko ay bad news.. muntik na pala kaming looban kagabi. ngayon ay di ko alam kung ano ang dapat kong gawin.. nguni't nananampalataya akong patuloy Nya kaming iingatan.






No comments:
Post a Comment