Tuesday, July 11, 2006

my my my

not really in the mood today after what happened earlier, kaya eto, pampagana muna :D

Photobucket - Video and Image Hosting

haay, super cute nya talaga *lovesigh*

not my day.. :(

-- 730am time in ko to talk to our counterparts in seattle, but may gumagamit ng phone sa ofc ng boss ko, so nag AIM na lang ako.. sad to say, parang di pa naging maganda takbo ng usapan namin ng kausap ko :(

-- accidentally nasipa ko avr ko, at di ko nasave chat logs namin :((

parang tinatamad tuloy ako magwork.. nagmimeeting ngayon boss ko sa mga bossing sa seattle, sana naman maging ok ang usapan.. after ng nangyari kagabi, kakatakot, huhuhu :S

Wednesday, July 05, 2006

pagkatapos ng mahabang pag iisip...

after long contemplations, mahabang pag iisip, maraming pagsasangguni, ginawa ko na ang isang bagay na dapat ay matagal ko ng ginawa.. ewan ko ba, noon ay mas mabilis ako magdecide, ngayon ay nahihirapan ako.. pero buti na lang, naisagawa ko na at gumaan na ang dibdib ko. i can now move on and enjoy what the future holds :D

Monday, July 03, 2006

iyakin

i dont know, but lately, nagiging iyakin ako.. i dont know if nagiging masyado lang akong senti or what.. howell.. anyway, this sms i received from a friend certainly made me smile :)

bawat luha ay mahalaga
kaya siguraduhin mong bawat pagluha
ay sa karapat dapat na tao
dahil ang luha kapag tumulo
ay di na maibabalik sa mata

di tulad
ng sipon

na pwedeng masinghot pa


~~~~~

"The best way to cheer yourself up is to cheer someone else up." --Mark Twain

Friday, June 30, 2006

finally

finally! got a chance to talk to him last sunday, finally.

~~~~~

some of the things that i'm thankful for this event in my life:

1. my faith is strengthened and i'm more prayerful now.
2. looks on every worship service with more anticipation, lists down verses i can draw strength from.
3. conscious about how i look.

Friday, June 23, 2006

sekretarya

may 730am meeting kami and kelangang 7am e nasa ofc na. dumating ako ng 657, buti na lang at naging ok ang byahe kahit mejo matagal makasakay ng bus. kaya lang, super inaantok na ako, bukod pa sa may super namimiss.. lalo tuloy gusto ko ng umuwi

after ng meeting, nag usap usap pa kami. sabi ba naman ng isang kasama ko, "sa susunod, pag magprint ka e ipagprint mo rin kami" pertaining to the docs na pag uusapan sa meeting. e haller! nasa email naman yung doc, pinrint ko lang. feeling ata nya sekretarya nya ako, pasalamat sya at mabait boss ko, binalik man sa kanya yung sinabi nya e di sya pinahiya, hehehe :D i really love my boss :D parang naniniwala na tuloy ako sa mga wento ng ibang tao dito at baka magkaproblema nga ako sa paghandle sa kanya..

Tuesday, June 20, 2006

bus incident

this happened last friday nung pauwi na ako. sa bus e ayaw kong maupo sa gitna ng pangtatluhang silya, maliban na lang kung ako yung pangatlong uupo at yun ang bakanteng pwesto. nagkataong nakaupo ako sa pangtatluhang silya at may nakaupo na rin sa may bintana. may sumakay na ale, ang gusto nya ay uurong ako sa gitna at sya ang uupo sa labas, pinadaan ko sya para makapasok sa gitna dahil ako naman ang nauna at natural, first come-first serve ang upuan sa public transport. masama ata ang loob nya na di ko sya pinagbigyan, napansin kong hindi sya nag aabot ng bayad nya sa kundoktor. tatahimik na lang sana ako, kaso tinutulak nya pa ako pausog na para bang gusto nya ako ihulog. ng makarating sa toll gate, tinanong ko ang kundoktor..

me: hindi ho ba kayo kulang ng isa? (hawak hawak ko ang tiket ko, na kinuha ko pa sa pagkakasuksok sa gilid ng upuan sa harap, baka kasi kunin pa ito ng ale at angkinin e, hehehe)

kundoktor: kulang na?

me: tiket. baka ho may hindi pa nagbabayad

umiling lang ang kundoktor

me: di pa ho nagbabayad tong katabi ko

kundoktor: (napatingin sa katabi ko, obyus na minukhaan) di bale, maagang pamasko ko na lang sa kanya yun

pababa na ako nun ng bus. ang ale, di nakatiis, nagsabi ng "pakialamera" sa akin, pero di na ako lumingon pa. kung siningil man sya ng kundoktor o pinagtinginan ng ibang pasahero e wala na akong paki


~~~~~

still bc.. kahapon e start na ng 4-day half-day training namin. kanina naman e wala pang 830 ay abala na ang lahat.


~~~~~

i dont know if i made the right decision. this idea came to me when i was taking a bath early this morning. anyway, bahala na ang Ama. alam ko namang di Nya ako pababayaan.

Wednesday, June 14, 2006

Matthew 7:7-8

Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks receives; he who seeks finds; and to him who knocks, the door will be opened.

Mat. 7:7-8

Funny how I was thinking of this verse yesterday morning but dont know the exact verse, and this was read by our minister yesternight during our panata. Ninong Daddy talaga :D

Tuesday, June 13, 2006

16 mins

arrived 16 minutes late today. i shouldn't be 13 minutes late this month or else.. haay.. i'll be coming to office early tomorrow, 730am to be exact, for a telecon. haaay.. busy days are now here

~~~~~~~~~~~~~~~

i had realized that when i saw him and he didnt see me, i miss him terribly. but if we see each other, i dont miss him.. hmm.. so now, i just need to make myself visible to him, hehehe

Wednesday, June 07, 2006

movies

watched x-men 3 at sm megamall last saturday after ng pulong sa pasig. as usual, im one of the last few who watched the movie. still, marami pa ring tao sa movie house. last monday night, i watched da vinci code with a friend at gateway mall. first time ko manood sa movie house na yun. ok naman, mejo di lang ok yung guard na naghatid sa amin. the movie was ok, marami pa ring tao kahit ilang weeks na syang showing. i need to read the book (kahit ebook lang) para mas detailed yung wento :D

Monday, June 05, 2006

What's Your Power Color?

Your Power Color Is Magenta

At Your Highest:

You energize yourself and push others to suceed.

At Your Lowest:

You feel frustrated and totally overwhelmed.

In Love:

You are suprised by who you attract. You're a love magnet.

How You're Attractive:

Open and free spirited, people want to explore the world with you.

Your Eternal Question:

"What is my next source of inspiration?"

a blessed weekend

sabado: naatasan ako ng aming pastor na pumunta sa pasig upang dumalo sa locale coordinators' meeting ng AsCII. ako ang ginawa nyang locale coordinator sa aming lokal at naatasan ding buuin ang AsCII sa aming lokal. naging maganda naman ang resulta ng pagpupulong. doon ay muli kong nakita ang 2 taong namimiss ko, ang aking daddy at ninong. sa gabi ay back lesson ng aking akay. naging matagumpay at mabiyaya ito.

linggo: tupad ni mom ng umaga kaya maaga akong nasa kapilya, sinamahan ko kasi sya upang magbihis ng saya. dahil hindi ko naman tupad sa oras na iyun ay minabuti kong mag-opisina sa kalihiman upang gawin ang ibang bagay na aking gagawin mamyang hapon. mamya kunti ay dumating ang aking tatay-tatayan na bantay kapilya at nakipagkwentuhan. pagkatapos mag-opisina ay naghugas ako ng kamay sa banyo sa loob ng opisina. nang ako ay nasa loob ng banyo ay may nagsalita sa labas. inakala kong si tatay yun at dahil di ko naintindihan ang sinabi nya ay sinabi kong "Po?" sabay labas na rin ng banyo. nagulat ako dahil hindi pala si tatay ang tao sa labas. di ko namalayang pumasok sya, at marahil ay nagulat din sya ng makita ako at ang tanging nasabi ay "Ay" at nagpatuloy sa pagbabasa sa bulletin board ng aming tanggapan. ako naman ay kinuha ang suklay at nagbalik sa banyo upang mag-ayos at maghanda sa pagsamba. paglabas ko ay wala na rin sya sa opisina. nang ako ay pumasok sa kapilya ay nakita ko syang nakikipagkwentuhan sa ibang scan na tumupad. inakala ko pa ngang isa syang diakono, hehehe. pumasok ako at nakipagwentuhan sandali sa mga kalihim na tumupad.

pagtapos ng pagsamba ay nakakwentuhan ko si wenz. pagkauwi ay nakapag-agahan pa ako kasama ng aking ina bago muling nagbihis upang manundo ng mga bata. toka kasi ng aming departamento sa panunundo para sa pnk. naging maganda naman ang resulta ng aming panunundo. nagpunta kaming muli sa kapilya pagkatapos upang magsabi sa aming pangulo ng nangyari sa aming panunundo. bago umuwi ay dumaan ako sa bahay ng pastor at binati sya sa kanyang kaarawan.

gabi ay muntik ng mahuli ang aking akay sa pagsamba. dumating sya sa ikalawang awit na. pagkatapos ng pagsamba ay sinamahan ko syang dumalo sa pulong ng buklod. maganda ang naging tema nila, "Controlling your anger before it controls you". pagkatapos ay nagpunta kami sa likod para sa kanyang pre-screening. di agad nasimulan ang pre-screening dahil nagkaroon muna ng kaunting salo-salo at kasiyahan para sa kaarawan ng aming mahal na destinado. nagkaroon din ng pagkakataon upang makapagkwentuhan sa mga maytungkulin na nandun, tulad ng aking ate at katukayo. habang naghihintay e lagi kaming nagkikita ngunit hindi ko sya pinapansin. hindi ko nga alam kung ako yung nginitian nya sa opisina ng ilaw, pero di ko pa rin yun pinansin. syempre pa, pumasa ang aking akay sa kabila ng kaba na kanyang nararamdaman.

Thursday, June 01, 2006

katakawan

i have a 730am meeting today. this was scheduled but unconfirmed yesterday and was just confirmed this 6am. so i wake up the usual time, and planned to just skip breakfast to arrive on time. but my mom bought puto and suman for breakfast and i can't just resist the temptation, so instead of preparing to go to work early, i ate to my heart's content, hehehe... when i arrived at the bus stop, the bus is already loaded and i have to wait for the next bus. after getting off the bus, i still need to cross a train station to the jeepney stop. unfortunately, a train just passed and is dropping off passengers, so the intersection was blocked. good for me, i'm just around 15minutes late. and my boss just arrived a sec earlier before me, hehehe :D

Thursday, May 25, 2006

can somebody give me the title of this song? :D

GOODBYE
by: Juana
from the album: Misbehavior


Didn't mean to hurt you badly,
Don't think that I am fooling around with you
So sorry for the time you've wasted on me,
So sorry for the things that you've went thru
But I know that the problem's within me,
You're so nice but your love don't deserve me
Or maybe I'm just so scared to fall in love again

I can still remember the days
So many times I've been hurt
So much trust I put on a relationship
So much suffering I brought and the pain still remain
You know I like you but I don't wanna take the risk
So confused and I don't know how to deal with it
I need sometime for a while before I give my heart away

Don't say goodbye
Don't say goodbye
I need sometime for awhile before I give my heart away

Don't say goodbye
Don't say goodbye
I need sometime for awhile before I give my heart away

Now I know I wasn't thinking before
That's why I'm always ending up with Mr. Wrong
Learning form the past, don't wanna make mistake,
You could be Mr. Right or could be a fake
You know I like you but I don't wanna take the risk
So confused and I don't know how to deal with it
Need sometime for awhile before I give my heart away

Don't say goodbye
Don't say goodbye
I need sometime for awhile before I give my heart away

Don't say goodbye
Don't say goodbye
I need sometime for awhile before I give my heart away


thanks to ivy for the title of the song, it surely fits what i want to say *sigh*.... anyways, i know that He will provide a good husband to me (Prov. 19:14)

Life's Simplest Pleasures

as an answer to ivan's tag, here it is :)

Instructions: Name ten (10) of life’s simple pleasures that you like the most, then pick ten (10) people to do the same. Try to be original and creative and not to use things that someone else has already used.

1. cool shower with running water (de oras kasi tubig sa amin)
2. sound peaceful sleep
3. bonding with mom (watching tv, malling)
4. chatting on the phone with a long-time friend
5. having a day off at work
6. accomplishing something at work (contradicting sa number 5 e, weheheh :D)
7. cooking and eating
8. bonding with my small group of barkada
9. being able to enjoy a sport (marunong lang, nde player talaga)
10. buying a pair of shoes that really fits (mahirap kasi makasundo ng sapatos paa ko e :( )

who i'll tag? yun na lang mga frequent readers ng blog ko *teehee*

Tuesday, May 23, 2006

kapilan daka malyaring pakisabyan?

thanks to handsomest for giving me the correct translation :) i dont know if i had delivered this right, but at last, nagkausap din kami. i know this is His will since He has given the chances for me to ask this to him. i was hesitant at first but grabbed the next opportunity that comes my way. and after a long while, the wait-and-see period is finally over. all i can say is thanks for being honest :)

Friday, May 19, 2006

Alipin

Shamrock

di ko man maamin
ikaw ay mahalaga s akin
di ko man maisip
sa pagtulog ikaw ang panaginip

malabo man ang aking pgiisip
sana'y pakinggan mo
ang sigaw nitong damdamin

chorus:
ako'y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako'y manhid
sana ay iyong naririnig
sa 'yong yakap ako'y nasasabik

ayoko sa iba
sa yo ako ay hindi magsasawa
ano man ang yong sabihin
umasa ka ito ay diringgin

madalas man na parang
aso at pusa giliw
sa piling mo ako ay masaya

ako'y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako'y manhid
sana ay iyong naririnig
sa 'yong yakap ako'y nasasabik

pilit mang abutin ang mga tala
basta sa akin wag kang mawawala...

ako'y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako'y manhid
sana ay iyong naririnig
sa 'yong yakap ako'y nasasabik

pagkat ikaw lang ang nais makatabi
malamig man o mainit ang gabi
nais ko sanang iparating
na ikaw lamang ang aking iibigin


i wish this is his song for me *sigh*

Friday, May 12, 2006

Dahil Ikaw

True Faith



Sa piling ba niya ikaw ay may lungkot na nararamdaman
Damdamin mo ba ay di maintindihan
At sa tuwing ako ay nasa iyong isipan
May nakita ka ba na ibang kasiyahan
Nandito lang ako
Naghihintay sa'yo na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa'yo
Hooh….

Dahil Ikaw lang sigaw ng puso ko
Ikaw lang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sayo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo
Na mahal kita

Sa piling ba niya ikaw ay maysakit na nararamdaman
Damdamin mo ba ay sinasaktan
At sa tuwing ako ang nasa iyong panaginip
Na tayong dalawa’y masayang magkapiling

Nandito lang ako
Naghihintay na mapansin ang aking damdamin
Na para lang sa'yo
Hooh….

Dahil Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sayo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo hmmm…
Na mahal kita

Sana’y pagbigyan ang nadarama nito
Sana’y masabi mo na mahal mo rin ako

Dahil Ikaw ang sigaw ng puso ko
Ikaw ang nasa isip ko
Ang nais ko ay malaman mo
Na ikaw ang tanging pangarap ng buhay
Pag-ibig ko sayo'y ibibigay
Ang nais ko ay malaman mo hmmm…
Na mahal kita

(Ikaw ang sigaw ng puso) Na mahal kita..
(ikaw ang nasa isip ko) Na mahal kita..
(ikaw ang sigaw ng puso) Na mahal kita..


i thought that this song is just available in Piolo and Juday's telenovela, meron pala talagang ganitong kanta :D

bituin sa mayo

i can relate to this song.. is my current situation my destiny? funny how i've been into this wait and see period for some time now, me who is not known for patience, but for being restless.. hopefully, the end of this period is near...

Bituing Walang Ningning
Originally sung by - Sharon Cuneta
Re-make by - Sarah Geronimo


Kung minsan ang pangarap
Habambuhay itong hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa


Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning


CHORUS 1
Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin


CHORUS 2
Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig


[Repeat 2nd Stanza]
[Repeat CHORUS 1]
[Repeat REFRAIN 2 except last line]


Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig


~~~~~~~~

masayang kebaitan keka masanting na jon :D (naks! ang hirap magkapampangan ha :D)


~~~~~~~~

been into learning kapampangan for some days now. buti na lang, may bestfrend akong napapagpraktisan ko, wehehe :D though, there are times that my motivation is dampened by what's happening, still, there are times that i am inspired to learn his native tongue.. mahirap na, baka mabenta ako ng di ko nalalaman e :D

Friday, May 05, 2006

hmmmmm.....

i answered another blogthings question.. is this true? makes me think.... hmmm...

Your True Love Is a Cancer

Why you'll love a Cancer:

Cancer's loyal and sincere heart makes your own sensitive heart melt.
Caring and devoted, a Cancer will take the lead in pursuing you - and not give up!

Why a Cancer will love you:

You're laid back enough to deal with Cancer's little mood swings and freak-outs.
A fellow homebody, you know how make Cancer comfortable and at home with you.